top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Imbes maisalba, isa-isa nang namamatay... LISTAHAN NG MGA NATURUKAN NG DENGVAXIA, AYAW ILABAS NG DO

  • Daing Mula sa Hukay
  • Aug 9, 2019
  • 5 min read

BULGAR DAING MULA SA HUKAY... HUSTISYA

PAO CHIEF PERSIDA ACOSTA / DAING MULA SA HUKAY HUSTISYA

LISTAHAN ang nag­du­lot ng pagkagulat sa mag-asawang G. Webister at Gng. Marilyn Pineda. Ang pagkagulat nilang ‘yun ay nauwi sa paglu­luk­sa at pakikipaglaban para sa katarungan sa ka­matayan ng kanilang anak na si Shana Marie P. Pineda na nakasama sa nasabing talaan ng bibik­ti­mahin ni Kamatayan.

Narito ang bahagi ng nakapanlulumong salaysay ng mag-asawang Webister at Marilyn hinggil dito: “Enero ngayong 2019 nang punta­han kami sa bahay ng pinsan ni Princess Lei, dating ka­mag-aral ng aming anak na noon ay may masamang nararamdaman at napa­ralisa dahil diumano sa stroke. Ipinaalam sa amin ng pinsan ni Prin­cess Lei na ang aming anak ay kasama sa lis­tahan na ipinaiikot ng Depart­ment of Health (DOH) na may kaugna­yan sa pagtuturok ng Dengvaxia.

Nakita namin sa na­sabing listahan ang pa­ngalan ng aming anak at ni Princess Lei. Nakita rin namin du’n ang pa­ngalan ng kaibigan ng aming anak na si Rey­nalyn Almachar na pu­manaw dahil sa Dengvaxia noong Abril, 2019. Laking-gulat naming mag-asawa nang makita ito dahil sa aming pagkakaalam ay hin­di naturukan ng Deng­vaxia si Shana Marie dahil tutol kami sa pagtuturok nito sa kanya.”

Si Shana Marie, 13 taong gulang ay namatay noong Hulyo 29, 2019 sa ospital sa Pampanga. Siya ang pang-isandaan at apatnapu’t tatlo (143) sa mga naturukan ng Dengvaxia, nakaranas ng sin­tomas na kasama sa common pattern of 4 serious adverse effects (anaphylactic aller­gic reaction, viscerotropism, neu­rotropism & increase in severity of dengue disease) na consistent sa Sanofi dec­laration of 4 identified and expected risks in its submis­sion for authorization sa Food and Drug Administra­tion (FDA) noong Disyem­bre 22, 2015 at namatay na sumailalim sa forensic exa­mination ng Public Attor­ney’s Office (PAO) Forensic Team, pagkatapos hilingin ng pamilya ang serbisyo nila para sa pumanaw na biktima.

Binibigyan din sila ng kailangan nilang libreng ser­bisyo-legal ng aming tang­gapan, sa pangunguna ng in­yong lingkod bilang kauku­lang aksiyon sa idinudulog nilang kahilingan.

Noong ikatlong linggo ng Marso 2019 ay nagreklamo si Shana Marie ng pananakit ng mga butu-buto. Siya rin ay mahina at namumutla at dahil sa mga kakaibang na­raramdaman niyang ito ay dinala siya ng kanyang mga magulang sa health center sa Pampa­nga.

Siya ay isinailalim sa blood test at base sa resulta ay mababa diumano ang kanyang dugo. Iminungkahi ng doktor na tumingin sa kanya na siya ay ilipat sa os­­pital upang mas masuri ang kanyang kalagayan.

Si­n­unod ito ng kanyang mga magu­lang at isinailalim siya sa bone mar­row test. Habang hini­hintay ang resulta ng nasabing bone marrow test ay na­natili sa ospital si Shana Ma­rie at siya ay sinalinan ng dugo.

Pagkalipas ng tatlong (3) araw ay lumabas ang re­sulta ng kanyang bone mar­row test at sinabihan ang mag-asawang Webister at Ma­rilyn ng doktor na base, sa resulta nito ay may leu­kemia diumano ang kanilang anak. Pagkalipas ng walong araw na pamamalagi sa os­pital ay pinahintulutan si­yang lumabas ng doktor. Tuwing Lunes ay isinasaila­lim sa chemotherapy si Shana Marie.

Naging ma­ayos naman ang kondisyon niya sa mga sumunod na buwan, ngunit, noong Hunyo 24, 2019, isinailalim siya sa bone mar­row test sa panga­lawang pag­kakataon. Ayon sa resulta ay nananatiling ma­ayos ang kalagayan ng kan­yang kalu­sugan.

Nitong Hulyo lang nang lumala ang mga nararam­da­man ni Shana Marie hang­gang sa umabot na siya sa dulo ng kanyang natitirang lakas. Noong Hulyo 22, si­nalinan siya ng dugo dahil nakitang bumaba ito.

Noong Hulyo 25 ay nagkalagnat siya, kaya pinainom siya ng paracetamol at bahagyang bumaba naman ang kanyang lagnat. Kinaumagahan, Hulyo 26, 2019 ay nagkaubo siya at sinabayan ito ng muli ni­yang pagkakaroon ng lag­nat. Malakas din ang regla niya noon.

Noong Hulyo 27 ay lalong lumala ang ubo niya. Siya ay may plema noon at sa tuwing inilalabas niya ito ay may kasamang dugo. Hin­­di pa rin nawala ang kan­yang lagnat at siya ay nagsu­suka. Dahil dito, dinala si­yang muli ng kanyang mga magu­lang sa ospital, isinaila­lim sa x-ray at base sa naging re­sulta ay may pneu­monia siya. Ang sabi ng doktor ay napuno ng plema ang likod at baga niya. Muli rin siyang si­nalinan ng dugo.

Noong Hulyo 28 ay big­lang naka­ranas ng hirap sa paghinga si Shana Marie, kaya lalagyan sana siya ng tubo para tulu­ngang maka­hinga, subalit, ayaw naman niyang magpa­lagay ng tubo. Umaga ng Hulyo 29, kahit hirap humi­nga ay madaldal pa rin siya. Buong mag­ha­pong nagdada­daldal, suba­lit, pagkatapos ay kung anu-ano na ang kanyang sinasabi at nakikita.

Pagsapit ng alas-kuwatro ng hapon ay bigla siyang tu­mahimik at ang sumunod na pangyayari ay ang biglang pag-aagaw-buhay ni Shana Marie. Alas-singko ng hapon ay tuluyan na siyang puma­naw.

Ang pagpanaw ni Shana Marie ay katulad ng pagka­wala ng ating mga mahal sa buhay na napakahirap tang­gapin. Ang nagpabigat pa sa kanyang naiwang mga ma­gulang ay ang mga alaala nito sa kanya bilang malusog ni­lang anak at ng mga dating kapwa niya pasyente na may katulad niyang karam­daman na nabubuhay pa hanggang ngayon.

Anang mga magulang niya hinggil dito: “Napaka­sakit para sa aming pamilya ang dagliang pagpanaw ni Shana Marie. Malusog na bata ang aming anak at wala siyang naging sakit at hindi pa siya naospital maliban na lamang nitong kamakailan kung saan siya ay pumanaw.

Ang lumabas na na­ging dahilan ng kanyang kama­tayan ay hindi namin pinani­niwalaan sapagkat sa dagli­ang panahon ng pagkaka­sakit ay nawala kaagad ang aming anak. Pero, ‘yung mga kasaba­yan niya sa ospital na tulad niyang may ganu’ng sakit ay matagal nang ginaga­mot, subalit, buhay pa rin sila.”

Naniniwala ang mga magulang ni Shana Marie na hindi makatarungan na ma­matay ang kanilang anak nang napakaaga. Dahil dito, sina G. Webister at Gng. Marilyn Pineda ay dumulog sa aming tangga­pan at sa inyong lingkod upang hili­ngin ang aming tulong na masampahan ng kaukulang kasong sibil, kri­minal at ad­ministratibo ang mga taong responsable sa pagkamatay ni Shana Marie.

Ang isa sa mga isyung dapat harapin at panagutan ng mga kinauukulan sa ka­song may kinalaman sa Dengvaxia ay ang kawalan ng pagsang-ayon (consent) ng mga magulang ng mga menor-de-edad sa vaccines. Ayon sa mga magulang ni Shana Marie: “Wala kaming alam na nabakunahan ang aming anak ng Dengvaxia. Dahil dito ay nais naming mapanagot ang mga taong mayroong kinalaman sa pagpapalaganap ng Deng­vaxia nang walang pag-iingat at tamang pag-aaral. Dahil sa kanilang kapaba­yaan at kawalan ng pag-iingat ay maraming buhay ng kabataan ang nanganga­nib ngayon at nawala kabi­lang na ang aming anak na si Shana Marie.”

Bakit nabakunahan si Shana Marie ng Dengvaxia kung tutol dito ang kanyang mga magulang? Hindi ba dapat, may pagsang-ayon ang mga magulang ng mga menor-de-edad — lalo na sa ganito kaselang bagay na bu­hay at kamatayan ang naka­salalay?

Mga katanungan itong naghahanap ng kasagutan maging sa kabilang buhay. Ang kawalan ng maayos na tugon dito at pagbabalewala pa ng karamihan sa mga da­pat na managot sa batas ay kabilang na marahil sa mga dahilan ng mga pagpapa­ramdam ni Shana Marie.

Kaugnay sa listahan na nabanggit ng mga magulang ni Shana Marie, ang dapat na tumambad na ay ang mas­ter list ng lahat ng mga natu­rukan ng Dengvaxia na pa­tuloy pa ring ipinagkakait.

Ang master list na ito ay makatutulong sa pagtunton sa mga buhay pang biktima upang sila ay maisalba. Ito rin ang magiging guide upang matukoy ang mga yumao na sa kanila at maipaglaban ang kawalan ng hustisya sa sina­pit nila.

Ang layon ng listahan ay upang maisaayos ang mga bagay-bagay. Gaanuman ito kasimple o kawalang-halaga sa iba, sa amin ito ay may malaking silbi.

Gayunman, nananatili ang hiwaga ng master list. Anu-ano pa ba ang pilit iki­nukubli rito, bu­kod sa mga bagay na alam na ng publi­ko?

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page