top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Ginang nalunod sa ilog

Pabs Hernandez III
Aug 9, 2019
1 min read

LA UNION—Isang ginang ang namatay nang malunod kamakalawa sa ilog na sakop ng bayan ng Rosario.

Ang biktima ay nakilalang si Maribel Mabalot, nakatira sa nabanggit na bayan.

Ayon sa ulat, tumawid sa ilog si Mabalot, pero bigla umanong rumagasa ang agos ng tubig kaya nalunod ang biktima.

Tinangka pa ng mga residente na saklolohan si Mabalot, pero tinangay na ng agos ang biktima hanggang sa matagpuan ang nakalutang na bangkay nito sa ilog.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page