4 tulak timbog sa drug-bust
- Pabs Hernandez III
- Aug 9, 2019
- 1 min read
ZAMBOANGA DEL NORTE—Apat na drug pushers ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Tampilisan.
Nakilala ang mga suspek na sina Mamitua Abualas, Mike Laya at ang mag-asawang Mansol at Jimaa Askalon, pawang residente sa nasabing lalawigan.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 17 sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments