top of page

Takot na takot ka ba? DAHILAN KAYA NAGMUMULTO ANG NAMATAY, ALAMIN!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 8, 2019
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Jeanelyn <Jeanelyn_Epelet@face-book.com>.

Dear Professor,

Posible bang hindi na ma-reincarnate ang mga magulang at kapatid ko kasi hindi nila natanggap ang kanilang pagkamatay?

‘Yung mama ko ay na­matay sa cancer at ‘yung papa at kapatid ko ay na­baril kaya namatay.

Pero, nanaginip ako na masaya sila kung nasaan sila ngayon at nakita ko na nasa langit sila.

Naghihintay,

Jeanelyn

Sa iyo, Jeanelyn,

Alam mo, iha, sa mga Kristiyano, walang reincar­nation kaya kung ikaw ay Kris­tiyano, kalimutan mo na ang tanong mo.

Sobrang laki ng pagku­kulang ng Simbahan at ng mga sekta sa Kristiyanismo dahil hindi sila agresibo sa pagtuturo sa tunay na aral ng mga Kristiyano, kaya maki­kitang maraming Pinoy ang naniniwala sa reincarnation.

Ang totoo, tulad ng na­sabi na, walang reincarna­tion sa mga Kristiyano, pero mayroon silang tinatawag na resurrection o muling pag­kabuhay.

Magkaiba ang dalawa dahil sa resurrection, hindi makikilala ang mga taong na­kasama sa lupa. Ito ang masaklap na balita sa mga nag-aakalang sa muling pag­kabuhay ay makaka­sama niyang muli ang kanyang boyfriend/girlfriend o asawa.

Mahirap itong tanggapin dahil akala ng marami, ito mismo ang mababasa sa Bibliya.

May isa pang klase ng kaganapan kapag namatay ang tao. Sa loob ng 40 araw ay hindi pa siya makaaakyat sa langit.

Ibig sabihin, ang kan­yang kaluluwa ay nasa lupa pa kaya kadalasan ay pinag­mumultuhan niya ang mga tao. Pagdating ng 40 araw ay bubukas ang pin­tuan ng langit.

Gayunman, hindi lahat ay napupunta kaagad sa la­ngit dahil maraming na­­matay ang hindi nakahi­ngi ng tawad sa mga kasala­nang kanilang nagawa at ito ang dahilan kung bakit natin sila ipinagdarasal.

Kaya ipanatag mo ang iyong sarili dahil ayon sa iyong panaginip, ang mga ma­gulang at kapatid mo ay masaya na sa langit.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page