Rider dedbol sa pader
Pabs Hernandez III
Aug 8, 2019
1 min read
ISABELA — Isang rider ang namatay nang aksidenteng bumangga sa pader ang minamaneho nitong motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Saranay, Cabatuan sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Richard Aw-yang, nakatira sa nabanggit na lalawigan.
Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol sa pagmamaneho si Aw-yang kaya aksidenteng bumangga ang motorsiklong kinalululanan nito sa pader.
Dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.





Comments