top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

PUKPUKAN MUNA SA ENSAYO, AZKALS, KAKAHOL BA SA FIFA?

A. Servinio
Aug 8, 2019
1 min read

HANDA na ang Philippine Azkals na sumabak sa qualifying tournament para sa 2022 FIFA World Cup sa Qatar at 2023 Asian Cup sa Tsina. Magkahalong mga beterano at baguhan ang napipisil na mapabilang sa koponan na tatangkaing makapasok sa dalawang pinakamalaking palaro ng football sa mundo.

Unang babanat ang Azkals kontra Syria sa Set. 5 sa Panaad Stadium, Bacolod City at susundan na harapin ang Guam sa Set. 10. Ang iba pang makakalaro ng Azkals sa Grupo A sa Setyembre ay ang Tsina at Maldives. “I’m satisfied with the draw,” wika ni Coach Scott Cooper ng Azkals sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel Manila. “We are happy with the players we have and we will look at the players who are in form.” Una sa tinalakay ni Coach Cooper ang kalagayan ng no. 1 goalkeeper na si Neil Etheridge na nasaktan ang hita sa Cardiff City, England noong nakaraang Linggo. Kahit malabo si Etheridge para sa mga unang dalawang laro, kampante ang coach dahil mahusay ang ipinapakita ngayon ng iba pang mga goalkeeper na sina Michael Falkesgaard at Patrick Deyto na naglalaro sa liga sa Thailand.

Magbubuo ang Philippine Football Federation ng listahan ng 39 manlalaro na pagpipilian. Ilan sa mga matingkad na pangalan ay mga bituin ng Philippine Football League, mga Pinoy na naglalaro sa ibayong dagat at mga pambato ng mga paaralan sa NCAA at UAAP.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page