top of page
Alex Eala at Sandro Marcos - FB.jpg

PAPOPORMAHIN BA NG ALTAS ANG MARCELINO BROTHERS SA ON TOUR?

  • A. Servinio
  • Aug 8, 2019
  • 1 min read

IPAGTATANGGOL ng University of Perpetual Help System-Dalta ang kanilang tahanan kontra sa bumibisitang Lyceum of the Philippines University ngayong araw ng Huwebes sa pagpapatuloy ng “NCAA On Tour” ng 95th National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa UPHSD Gym sa Las Pinas City. Magsisimula ang laro ng 4:00 p.m. at ganado ang Altas na magpakita sa harap ng kanilang mga kapwa mag-aaral lalo na at galing sila sa panalo.

Nagwagi ang Altas kontra sa season host Arellano University, 75-73, noong Hulyo 30 salamat sa tirada ni Edgar Charcos na may 3.4 segundo sa orasan. Dahil dito, nagwakas ang tatlong sunod-sunod na pagkatalo kaya aasahan ni Coach Frankie Lim na makakuha muli ng mahusay na laro kay Charcos, Ben Adamos at Kim Aurin upang makamit ang 3rd win.

Dahil sa kabayanihan ni Charcos, siya ang hinirang na Chooks-To-Go Collegiate Press Corps NCAA Player of the Week. Ang iba pang mga nominado para sa lingguhang karangalan ay sina Larry Muyang ng Colegio de San Juan de Letran at Chester Jungco ng JRU at Jimboy Pasturan ng CSB Blazers.

Samantala, dalawang linggong hindi nakatatapak sa court ang Pirates at tiyak kailangan nilang magpagpag ng kalawang. Huling napanood ang LPU noong Hulyo 26 kung saan tinambakan ang JRU, 95-77. Buo muli ang tambalan ng magkapatid na Jaycee at Jayvee Marcelino at sila ang mamuno sa atake ng Lyceum. Isa pang mabuting balita para sa Pirates ay ang paggaling ng daliri ni Mike Harry Nzeusseu kaya madagdagan ang mga armas ni Coach Topex Robinson.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page