top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

P30.44 bilyon, nakolekta ng pag-ibig sa home loan sa 6 na buwan lang

Thea Janica Teh
Aug 8, 2019
1 min read

Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Sa loob lamang ng kala­hating taon, na-reach na ng Pag-IBIG Fund ang record-high performing loans ratio bilang top executives report double digit growth mula sa kanilang housing loan payment collections!

Mula January hang­gang June, 2019, ang nakolekta sa home loan payment ay Php30.44 bilyon o tumaas ng 12% mula sa nakaraang taon na Php27.22 bilyon.

Ibinahagi ni Secretary Eduardo D. del Rosario, head ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) at Pag-IBIG Fund Board of Trustees na napa­nanatili nila ang momentum mula noong taong 2018 na naitalang best year ng Pag-IBIG Fund.

Ngayong taong 2019, pumapatak na Php5.07 bilyon per month ang nakokolekta sa home loan payment, mas mataas sa Php4.53 bilyong average noong isang taon. At ngayong May, naitala ang pinakamataas na home loan payment sa loob lamang ng isang buwan. Ito ay umabot sa Php5.99 bilyon! Dahil sa laki ng nakokolekta sa home loans ay mas marami pang mga miyembro ang makaku­kuha ng kanilang sariling tahanan.

Dagdag pa ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti, dahil sa patuloy na pagtaas ng koleksiyon ay nakamit ng ahensiya ang performing loans ratio o PLR. As of June, halos 90.6% ang performing loans ratio, pinakamataas na nakamit ng ahensiya.

Samakatwid, 9 out 10 Pag-IBIG Fund’s home loan borrowers ang regular na nakapagbabayad ng kanilang monthly amortization at ito ang naging susi para magawa ng ahensiya ang kanilang misyon na makapagbigay ng murang pabahay sa kanilang mga miyembro.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page