top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Ngayong break na kay Ellen… KAMPO NI SHAINA, TODO-ASANG BABALIKAN NI JOHN LLOYD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 8, 2019
  • 2 min read

JUST asking... meron bang something in common sina John Lloyd Cruz at Joshua Garcia?

Ang sagot….“Meron…meron…meron!” sa tonong mala-Carlo Aquino ru’n sa old movie nila ni Vilma Santos titled Anak.

So, kung meron, anik daw?

Well, bukod sa tipong medyo hawig ang dalawang itey sa looks ay magkahawig din yata ang kanilang love life sa ngayon, ha!

Kasi lately ay sila ang laman ng balitang showbiz. Si Joshua ay iniwan daw ni Julia Barretto at si John Lloyd naman ay iniwan din daw ni Ellen Adarna. Ohhh, devah, what a coincidence? Coincidence raw, oh!

Tuloy, may ilang pipol in the know na nagsasabing kung hindi na raw talaga mag­kakabalikan pa sina Lloydie at Ellen, balikan na lang kaya ng aktor ang isa sa mga ex ni­yang si Shaina Magdayao, boom ganernn!

Nasabi kasi nitong si Shaina sa pocket interview niya sa Nang Ngumiti ang Langit ng ABS-CBN na still single pa raw siya. And take note, years na raw.

Two years ding naging magkarelasyon sina Shaina at Lloydie, at year 2012 nang sila ay mag-part ways as lovers.

Year 2012 pa, so, kung susumahin ay 7 years nang no relationship ang status nitong si Shaina kaya siguro nasabi niyang…“Ayoko nang bilangin. Ang tagal na, eh.” And even added na tipong pabiro na…“Grabe naman, masakit na (ang alin ang masakit, Shaina? Joke lang!) ha!” na tipong puwede nilang i-remake ni Lloydie ang another old movie titled Masakit, Masarap ang Umibig if ever na muling bumalik si Lloydie sa showbiz world at muli silang magkatrabaho ni Shaina. Eh, Shaina nga, este, sana nga!

At mas maganda kung sa isang project ay pagsama-samahin ang mga ex-labs nitong si Lloydie from Shaina, Angelica Panganiban at Ellen Adarna, na tipong may portion na kakantahin ni Lloydie ang awiting may lyrics that goes…“To all the girls I’ve loved before…”

Good idea, devah naman, my reading fans and foes? If yes, then spin a win, boom, insert smiley, j!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page