Lason ng nakalipas Ni: Ronalyn Seminiano Reonico


Ang nakalipas ay nakalipas na.
Sa ilang kadahilanan, ito’y naganap na.
Ito marahil ang siyang nakatakda upang maiwan sa ating alaala.
Naganap at lumipas sa ilang rason.
Sa alaala, ito’y sadyang nakabaon.
Siyang parte ng kahapong naisulat na, ngunit, hindi mabitawan ng iba.
Sa isip, ito’y nanlalason at naghahari.
Sadyang nagdudulot ng pait at hapdi.
Atensiyo’y ninanakaw at nililigaw upang sa anino ng nakalipas ay masilaw.
Hinding-hindi na maibabalik ang oras.
Bawat sakit, hindi na mabibigyang-lunas.
Ang panahong nasayang ay nasayang na.
Ito’y mabubuhay na lamang sa alaala.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments