‘Di lang panlaban sa kanser, lodi! MANGOSTEEN, KERING MAKAGALING NG ALLERGY!


DAHIL tag-ulan ngayon, season na naman ng mangosteen na bukod sa masarap kainin, eh, punumpuno pa ng masusustansiyang bitamina. Pero, knows ba ninyo na bukod sa may anti-cancer effects ito at nakapagpapababa ng blood sugar ay epektibo rin itong panlaban sa allergies? Woah!
Ang mangosteen ay ang major source na xanthones na isang uri ng antioxidants na epektibong makatanggal ng allergies sa katawan.
Sa pag-aaral ng mga researcher, natuklasan nilang kayang alisin ng mangosteen ang fungi, yeast, gayundin, puwede itong gamiting panggamot sa HIV virus.
Gayunman, maging ang pagkakaroon ng diarrhea ay kaya nitong gamutin at nakapagpapalakas ito ng immune system.
Samantala, bagama’t, may mga gamot na inirereseta para malabanan ang pangangati na maaari nating maramdaman sa pagkakaroon ng allergy, eh, mainam pa rin kung organic at walang halong kemikal ang iinumin nang sa gayun ay hindi ito magkaroon ng side-effects sa ating kalusugan. Dagdag pa rito, alam ba ninyo na ang anti-histamine na gamot sa allergy ay nagtataglay din ng mangosteen na masarap at masustansiya, kaya saan ka pa?
Kaya ang payo ng mga eksperto, kung sakaling atakihin kayo ng nasabing sakit, eh, alam n’yo na ang gagawin ninyo. Okay?
Kaya sulitin natin ang season nito, mga besh, hangga’t marami pa sa mga pamilihan, eh, bumili na tayo para sa mas healthy lifestyle. Copy?





Comments