top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

NCAA GAMES KANSELADO ULI; P100-THOU AYUDA SA BATANES

  • A. Servinio
  • Aug 7, 2019
  • 1 min read

INAPRUBAHAN ng NCAA Management Committee ang cash donation na P100,000 para sa probinsiya ng Batanes na naapektuhan ng 5.9-magnitude earthquake noong Hulyo.

Ayon kay NCAA Mancom chairman Peter Cayco ng pagtulong ay bahagi ng adbokasiya ng liga at ang financial assistance ay ipaaabot sa Batanes provincial officials na pinamumunuan ni Governor Marilou Cayco, sa Sabado sa halftime period ng laro ng Letran College at San Beda University sa Cuneta Astrodome sa Pasay City. Samantala, ipinagpaliban sa ikalawang sunod na araw ang mga laro ng 95th National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa FilOil Flying V Centre kahapon ng umaga dahil sa masamang panahon sa Kalakhang Maynila.

Huli na ng lumabas ang desisyon kaya natuloy ang unang laro sa Juniors Division sa umaga kung saan ginulat ng Colegio De San Juan De Letran Squires ang La Salle Green Hills Greenies, 69-66. Umangat ang Squires sa 3-4 habang naputol ang tatlong sunud-sunod na panalo ng Greenies para sa kartadang 4-2 panalo-talo.

Namuno para sa Squires si Shawn Michael Umali na binuhos ang 7 sa kanyang 17 puntos sa 4th quarter at humakot ng 11 rebounds. Sinundan ng tokayong si Shawn Kenneth Argente na may 13 puntos.

Ang mga apektadong laro ay College of Saint Benilde laban sa Letran, San Beda University kontra Mapua University at San Sebastian College at Arellano University sa Seniors at San Beda-Mapua at SSC-Arellano sa Juniors.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page