top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Nagkalat daw sa show sa Tate… SIGAW NG NETIZEN: NAKAKAHIYA KA, REGINE! 'WAG KA NANG KUMANTA!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 7, 2019
  • 2 min read

Beth Gelena / BULGARY FILES

NA-BASH si Asia’s Songbird Regine Velasquez dahil sa kanyang performance sa ASAP Natin ‘To: Bay Area na ginanap sa San Jose, California, USA.

Ayon sa basher, napanood niya ang variety show kung saan si Regine ang grand finale at ang inawit nito ay On the Wings of Love. Pumalya umano ang singer sa pagbirit ng nasabing awitin.

With all caps, ito ang tweet ng basher, “NAKA­KAHIYA KA! FINALE KA PA? ‘DI MO NAMAN MA­ABOT!!! Pweeh!!! ‘Wag ka na lang kumanta!!!”

Masakit kung tutuusin ang sinabi ng netizen sa singer, pero imbes na almahan niya ang nang-bash, malu­manay at may pagpa­pa­kum­baba na sinagot siya ni Regine.

Ayon pa sa netizen, hindi raw sulit ang ibinayad ng mga Pinoy para lang pano­orin ang Asia’s Songbird.

Sagot ni Regine, “I guess, kasalanan ko rin naman kasi kahit madaling kanta, pina­pahirap ko (laughing emoji). So, ‘pag hindi ko ibinirit, disap­pointed na ang ibang mas mataas pa sa boses ko ang expectations (laughing emoji).

“Alam mo, iba-iba ang bawat pagkanta, minsan depende sa kon­disyon ng katawan at boses ng isang mang-aawit ang kalalabasan ng kanyang performance.”

Inamin naman ng singer na dapat daw talagang nasusulit ng manonood ang kani­lang perfor­mance dahil pinagtatraba­huhan ng mga ito ang ipinambili sa ticket.

“Pero tama ka, NO excuses, pinaghirapan n’yo ang perang ipinambayad n’yo para ma­nood. So, you guys deserve only the best.”

“At alam naming lahat ‘yan kaya naman kahit may sakit, walang boses, nakipag-break sa jowa, namatayan ng pet, at kung anu-ano pa man, we always give it our best, 101 percent,” sambit pa ni Regine.

“Sa maniwala kayo o hindi, bago n’yo pa na-decide na disappointed kayo.... super disappointed na kami sa mga sarili namin.”

Marami pang paliwanag ang Asia’s Songbird despite sa mga nangyari, but still, very cool pa rin ang misis ni Ogie Alcasid.

Sa bandang huli ay pinasalamatan ni Regine ang netizen dahil tinawag nito ang kanyang attention.

“But thank you for letting me know that I was so bad. I will do my best next time. ‘Yan naman ang maganda sa life, laging may next time. God bless.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page