top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Mga kumpanyang nang-aabuso ng empleyado, kinalampag ng SSS

Thea Janica Teh
Aug 7, 2019
2 min read

Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Halos 250 employees ang nagkaroon ng pagkakataong maprotektahan mula sa pangamba na mawalan ng kita dahil sa pagkakasakit, pagkamatay, maternity o involuntary separation sa trabaho sa tulong ng Run Against Contribution Evaders (RACE) ng Social Security System (SSS).

Twenty-eight employers ang binisita ng SS Race team mula sa San Pablo sa Laguna, Tuguegarao City sa Cagayan at Legazpi City sa Albay para ipaalala ang kanilang obligasyon sa ilalim ng Republic Act 11199 ng Social Security Act of 2018.

“Dalawang buwan na nating isinasagawa ang operasyong ito sa buong Pilipinas at ito ay para sa mga empleyadong naaabuso ng kanilang employer o hindi naipapasok ang kanilang Social Security monthly premium sa tamang oras. Ito na sana ang maging babala sa lahat ng employers na hindi sumusunod sa SSS Law,” sabi ni SSS President and Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio.

Ang lahat ng employers na na-report sa RACE operation ay kinakailangang mag-respond sa show cause order within 15 days sa posting na maaaring ipasa sa pinakamalapit na SSS branch. Ang sinumang hindi makapag-respond mula sa ibinigay na araw ay maaaring makulong ng 12 taon at pagmumultahin ng P5,000 hanggang P20,000.

Kaya naman para sa mga employers at employees, maaaring i-check ang kanilang monthly contribution sa SSS records gamit ang SSS Mobile App, My.SSS website o Text-SSS.

Sa loob ng dalawang buwan, halos 130 establishments na ang napuntahan ng RACE campaign kabilang ang Metro Manila, Pampanga, Cebu, Zamboanga del Norte, Nueva Ecija, Negros Oriental, Lanao del Norte, Batangas, South Cotabato, Leyte, La Union, Davao del Sur, Cagayan, Laguna at Albay.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page