top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

PAGBANAT SA THAILAND CHESS ARANGKADANG MULI ANG PINOY

Eddie M. Paez, Jr.
Aug 6, 2019
1 min read

PAGKATAPOS manalasa sa bakbakang blitz ay muling nagpaparamdam ang mga kabataang disipulo ng chess mula sa Pilipinas na ngayon ay pumupukpok sa standard chess sa limang age bracket sa ginaganap na 4th Eastern Asia Youth Chess Championship sa Asia Hotel ng Bangkok, Thailand.

Umaalagwa sina International Master Daniel Quizon at Ruelle Canino taglay ang walang mantsang apat na panalo sa apat na pagsalang sa board ng sagupaan sa Boys U-16 at Girls U-12 ayon sa pagkakasunud-sunod.

Matatandaang sina Quizon at Canino rin ang mga pasimuno sa limang-gintong kampanya ng Pilipinas sa larangan ng blitz.

Nakabuntot kay Quizon ang apat na kataong chase pack na may taglay na tatlong puntos. Ito’y binubuo ng mga kababayang sina Michael Concio, Jr., FIDE Master Alekhine Nouri, Yifan Zhang ng China at Teerachoti Prasitsoonthorn mula sa punong-abalang Thailand.

Nasa unahan ng Boys U-12 na pulutong si Lemuel Jay Adena kasama si Myanmar ace Sai Han Thiha dala ang 3.5 puntos pagkatapos ng 4 rounds samantala, ganito rin ang posisyon sa Boys U-14 ni Angele Tenshi Biete na kahati sa liderato ang isang Indonesian (Nayaka Budhidharma) at isang Mongolian (Kherlen Temuujin).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page