Natatakot ka bang mawala si bantay, besh? APP NA NAKAHAHANAP NG NAWAWALANG ASO GAMIT ANG PICTURE NG
- BULGAR

- Aug 6, 2019
- 2 min read

Sa panahon ngayon, napakahirap mawalan ng aso dahil maliit ang tsansa na mahanap sila nang mabilis. Ilan sa mga paraang ginagamit ng mga pet owner para mahanap ang kanilang furbaby ay ang pagpo-post sa socmed at pagtatanung-tanong sa mga kalugar.
Pero, knows ba ninyo na puwede nang mahanap ang ating furbaby gamit ang kanyang nose patterns? Weh, puwede ba ‘yun?
Puwede nang mahanap ang mga nawawalang aso sa pamamagitan ng app na binuo ng kumpanyang Megvii. Sa application na ito, kailangan lamang ng picture ng nawawalang aso, partikular ang ilong nito.
Ang paggamit ng Artificial Intelligence (AI) face recognition technology para makilala ang mukha ng mga hayop ay hindi na bago, pero sa app na ito, sa halip na buong facial features ang ia-analyze ng app, nakapokus ito sa ilong ng mga aso.
Sey ng mga expert, tulad ng fingerprints ng tao, iba’t iba rin ang nose patterns ng ilong ng mga aso.
Ayon sa kumpanya, kayang hanapin ng app ang aso sa pamamagitan ng pagma-match ng kanilang ilong gamit ang database na may 95% accuracy. Dagdag pa ng kumpanya, mas mura ang paraang ito kumpara sa paglalagay ng identification chip sa balat ng aso.
Para mailagay sa database ng app ang nose pattern, kailangan itong piktyuran at i-video. Kapag na-detect ng app ang key points ng nose pattern, maise-save na ito sa online data base at magsisilbing ID ng mga aso. Wow!
Ayon sa mga developer, ilong ang pinaka-reliable na basehan sa pagkakakilanlan ng aso dahil tulad ng fingerprints ng tao, ang nose patterns ng mga aso ay unique. Wala umanong magkapareho ng nose patterns at hindi ito nagbabago kahit lumaki pa ang mga ito.
Ang nose identification app ay ginawa para mas mabilis na mahanap ng owner ang kanilang furbaby sakaling mawala ito.
Ibang-iba na talaga ang teknolohiya, mga beshy! Siguradong mas madali nang ita-track ang ating furbabies kapag nakatakas sila sa bahay.
Pero, bilang furparents, hindi natin dapat iasa lamang sa app ang paghahanap sa pets natin dahil tayo ang responsable sa kaligtasan nila.
Copy?





Comments