top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Misis at anak ni Robin, abangan kung sino'ng unang manganganak… MARIEL AT KYLIE, SABAY NA 5 MONT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 6, 2019
  • 2 min read

LALAKI ulit ang ipinagbubuntis ni Kylie Padilla. Yes, nagdadalantao uli ang aktres sa second baby nila ng asawang si Aljur Abrenica.

Kylie revealed the pregnancy at ang gender ng kanyang ipinagbubuntis in her You Tube vlog last Aug. 3 kasabay ng pag­diriwang ng 2nd birthday ng panganay nilang si Alas on Aug. 4.

Last month pa ay may tsika nang nag­dadalantao si Kylie pero tahimik lang ang mag-asawa at walang announcement mula sa parte nila. ‘Yun naman pala ay inihahanda nila ang big reveal sa birthday ni Alas.

Sa video na may title na “One Turns 2/Happy birthday, Alas,” naging emosyonal si Kylie habang ikinu­kuwento ang kanyang journey sa first pregnancy hang­gang sa ipanganak niya si Alas.

This year we opted for a more simple and intimate celebration. But I wante to share a few moments with you guys. And we have a little surprise near the end.

“Ok not a total surprise, but still wanted to announce it officially, that’s how it should be anyway.

“Thank you for being with me as my family grows bigger.

“P.S.. Sorry I sound so emotional. You’ll understand why. Being a mom is sooooooo hard but nothing compares. The madness is difficult but I would have no other way,” ang description na inilagay ni Kylie sa video.

Sa naturang vid, she recalled na 4 days daw siyang nag-labor at talagang naiinip na ang lahat sa paglabas ng kanyang baby.

“But when the moment came, everyone was so emotional, everyone was so happy, I was so happy. Totoo ‘yung sinasabi nila na kapag nakita mo na ‘yung anak mo, balewala ‘yung lahat ng nararam­daman mo. And that’s exactly how I felt,” pahayag ni Kylie.

At the end of the vid ay makikitang may balloon na inihanda ang aktres and asked Aljur to pop it. Nang pumutok ang lobo ay lumabas ang mga confetti na karamihan ay blue kaya nahulaan agad ng aktor na boy at kinumpirma naman ni Kylie.

Sa post naman ng stepmom niyang si Mariel Rodriguez, ipinahayag ng TV host ang kasiyahan na sabay sila sa pagbubuntis. As we all know ay kasalu­kuyan ding preggy ang misis ni Robin Padilla sa kanilang second baby girl.

“I was saving this photo of us. I am so happy na sabay tayo... Sharing this wonderful time with you. Congratulations @kylienicolepadilla @ajabrenica@officialalasjoaquin another blessing your way!!! Check out Kylie’s latest vlog on her YouTube channel!!!” ang caption ni Mariel sa larawan nila ni Kylie.

Ang tsika nga ay parehong 5 months preggy sina Kylie at Mariel kaya malamang ay magkasunod lang silang manganganak kundi man magkasabay.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page