top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

2 patay sa karambola ng 3 motorsiklo

  • Pabs Hernandez III
  • Aug 6, 2019
  • 1 min read

MISAMIS ORIENTAL—Dalawa katao ang namatay at tatlo pa ang sugatan sa naganap na karambola o banggaan ng tatlong motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Tagoloan.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jude John Ascuna at Lester Cabanda, samantalang, ang mga sugatan ay sina Richie Quiñones, Crystal Molina at Cara Cabunoc, pawang residente sa nasabing lalawigan.

Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng mga motorsiklong minamaneho nina Ascuna, Joel Bacus at Gabe Bacus habang kaangkas ang kanilang mga backrider na sina Cabanda, Quiñones, Molina at Cabunoc kaya aksidenteng nagbanggaan ang tatlong sasakyan.

Dinala pa ng mga saksi ang mga biktima sa pagamutan, pero idineklarang dead-on-arrival sina Ascuna at Cabanda.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page