top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

PAGKAIN NG PIZZA NI THURMAN, NABIDYUHAN, KINUWESTIYON

  • Alvin Olivar/MC
  • Aug 5, 2019
  • 3 min read

MAY 7 minuto ring nagpalabas ang Premier Boxing Champions at Fox ng isang video hinggil sa paghahanda nina Manny Pacquiao at Keith Thurman sa kanilang laban, pero ilang segundong may clip na kumakain ang Kano ng pizza.

Limang oras bago ang laban sa ibabaw ng ring kontra Pinoy legend, kitang-kita sa video na lumalantak ng pizza sa backstage ng MGM Grand ang mamang Kano. Agad nagtanong ang fans na nakakita kung bakit?

Ayon sa ulat ng World Boxing News hindi raw ba kakaibang diyeta ang paglantak ng ‘fatty carbs’ para sa pinakamalaking laban ng kanyang buhay? Habang si Pacman ay masustansiyang kumain ng kanin at tinolang manok. Agad naglabasan ang komento sa naturang video. “Pizza before the biggest fight of your career WTF?” ayon sa isang nakapansin. “The last thing I want to do after eating some pizza is fighting,” ayon naman sa isang fan. “Pizza to carb load and get heavier, interesting” “Pizza Keith? Pizza? I put money on you ffs,” saad pa ng isang pumusta para kay Thurman.

Bagamat, magandang laban ang ibinigay ni Thurman, malaking katanungan pa rin kung bakit ang pizza pa ang napili niyang lantakan lalo na sa edad niya at may nakatakda siyang mabigat na laban na puwedeng magpasagabal sa kanyang kondisyon.

Hanggang maaari ay dapat ngang magpagaan ng kanilang kondisyon at timbang ang isang fighter, pero si Keith ay nagawa pang balewalain ang kanyang pre-fight meal na hindi nakatulong para sa pagdepensa ng kanyang korona.

Gayunman, matapos ang kanyang pagkatalo sa bisa ng split decision, napuri si Thurman sa naging ugali niya, “I knew it was too close. He got the knockdown so he had momentum in round one. I want to thank the fans for coming out. This was a beautiful night of boxing,” tiklop na pahayag niya makaraan ang laban.

Kaya hindi na siya nagtaka kung naging problema na niya ang kanyang kondisyon. Hindi agad natunaw sa kanyang tiyan ang pizza sa loob ng 5 oras bago ang laban kaya bumagal ang kilos niya. “I wish I had a little bit more output to go toe to toe. I felt like he was getting a little bit tired, but he did have experience in the ring,” pag-amin ni ‘One Time’. “My conditioning and my output was just behind Manny Pacquiao’s. I would love the rematch. You get blessings and lessons. Tonight was a blessing and a lesson. Thank you everybody, and thank you Manny Pacquiao.”

Pero ang panghahamon ni Thurman ay hindi na pinatulan ng kampo ni Pacman at ayon kay Sean Gibbons na kinatawan ng Pacquiao camp na pipiliin daw ng legendary Pinoy fighter ang iba pang kalaban sa susunod na taon. Samantala, ikinalungkot naman ni Mexican boxing superstar Saul “Canelo” Alvarez ang pagkakaalis sa kanya ng International Boxing Federation (IBF) ng kanyang middleweight crown.

Nagsalita na si Canelo makaraan ang naging pagpapasya ng IBF nang mabigo ang kampo ni Alvarez na magkaroon ng kasunduan sa panig ni Sergiy Derevyanchenko para sa isa nitong mandatory title defense. “I’m very upset and ashamed (along with) my fans, to have been unfairly stripped of my belt by the IBF,” saad ni Alvarez. “Especially, when I did not have the knowledge of the agreement that [Golden Boy Promotions] matchmaker had signed.”

Ikinainis naman ito, noong una, ng promoter ni Canelo na si Oscar De La Hoya. Dismayado aniya si DL Hoya dahil nasa kalagitnaan pa raw sila ng dibdibang negosasyon sa promoter ng Ukranian slugger.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page