Kasyondaan, 'di na maitago… GABBY, TUYOT AT LAWLAW NA ANG BALAT


MAY gusto ring iparating ang ilang netizens na avid viewers ng rom-com na Love You Two na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion.
Kay Gabby sila sumentro na ang role ay isang guwapong chickboy na anak-mayaman. Kapag daw kasi close-up shot, kitang-kita ang nagsa-sag na pisngi ni Gabo at mukhang pagod at haggard na haggard na.
Eh, ang mga leading ladies niya sa show ay magaganda at mas bata tulad nina Jennylyn, Solenn Heussaff at Shaira Diaz.
Kung sa pangangatawan ay okey pa raw ang porma ni Gabby, matikas pa rin naman at pasable pang leading man. Pero ang kanyang face, nakaka-distract daw ang sagging skin na kitang-kita sa kamera. Kailangan na siguro ni Gabby ang magpabanat at sabayan ng facial upang kuminis ang kanyang mukha.





Comments