top of page
Pokwang.jpg

Horoscope | Agosto 05, 2019 (Lunes)

Maestro Honorio Ong
Aug 5, 2019
2 min read

Bulgar Horoscope

SA MAY KAARAWAN NGAYONG AGOSTO 5, 2019 (Lunes): Hindi maia­alis na mag-alala ka para sa iyong kinabukasan. Ga­yunman, ginagarantiyahan ng araw na ito ng iyong pag­silang na ikaw ay magta­ta­­gum­pay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hangarin mong umun­lad at ito ang susi para yumaman ka. Huwag kang susuko, patuloy kang luma­ban. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­wer­teng kulay-blue. Tips sa lotto-18-20-24-39-40-44.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kailangang maipaalala sa iyo na ang pam­pasuwerte mo ay hindi ba­gay kundi ang paglala­kad nang walang sapin sa mga paa sa loob ng inyong ba­hay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Ma­su­werteng kulay-black. Tips sa lotto-2-14-28-30-32-35.

GEMINI (May 21- June 20) - Simple at ma­dalas mong gi­nagawa ang sikreto kung paano ka si­nuwerte. Kapag nag-aalin­langan ka, mas lalo mong gustong maabot ang iyong mga pangarap. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-17-21-27-36-42.

CANCER (June 21- July 22) - Nakagu­gulat at mahi­rap paniwa­la­an na kapag naulanan ka, ang mga suwerte mo ay magdaratingan nang ma­bilis sa buhay mo. Masu­werteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-18-28-36-40-46.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ka­hit malabo pang mapasaiyo ang gustung-gusto mo, kumilos ka na parang hawak mo na ang mga ito. Hindi magtatagal ay mapa­sasakamay mo rin ang gus­to mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Ma­su­werteng kulay-red. Tips sa lotto-15-20-25-37-40-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magsuot ka ng bagay na ma­kislap at ihanda mo ang iyong sarili sa ma­lalaki at biglaang pagda­ting ng iyong mga suwerte. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-8-12-28-30-38-46.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit ma­su­ngit ang pana­hon, huwag mong kaliligtaan na ang iyong labi ay may ngiti. Ito ay nagpapaalala sa iyo na ang mismong ngiti mo ang magpapasuwerte sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-19-29-33-38-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Duma­ra­mi ang mga li­him mong ka­away, huwag kang ma­takot dahil sila ay sabay-sabay na mapapahiya da­hil ang mga suwerte ay darapo sa iyo. Masuwer­teng kulay-green. Tips sa lotto-1-18-25-26-43-46.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Itaas mo ang iyong ulo, lumakad ka na parang sundalo. Gawin mo ito dahil ang ganitong pagkilos ay ang magpapa­suwerte sa iyo. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-yellow. Tips sa lotto-22-27-31-33-36-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang magta­ka sa katoto­hanang madalas mangyari sa iyo na kahit nasa ba­hay ka lang ay puwede kang yumaman. Ikonsi­dera mo ito nang sa gayun ay mag­tuluy-tuloy ang iyong pag-asenso. Masuwerteng ku­lay-purple. Tips sa lotto-18-21-25-34-38-43.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag wala kang ka­away, wala kang suwerte. Mahirap ma­una­waan, pero kapag binali­kan mo ang iyong mga nag­daang karanasan, ito ang katotohanang iyong matu­tuklasan. Masuwer­teng ku­lay-pink. Tips sa lotto-8-11-14-16-25-38.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tayo-lakad, lakad-tayo, pu­wede mo itong gawin. Ito ang susi para maglabasan ang mga su­wer­teng natutulog sa iyong ka­tawan. Masuwerteng ku­lay-beige. Tips sa lotto-3-19-21-27-33-36.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page