top of page

AHAS SA PANAGINIP; TUKSO SA BAWAL NA RELASYON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 5, 2019
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Jocson Elena ng Jocson_Elena@facebook.com

Dear Professor, Nanaginip ako ng ahas at hinabol ko ito para patayin. Hindi raw ako natakot. Nagising ako nang maramdaman ko na nasa likod ko ito pero, wala naman pala nu’ng nagising ako. Ano ang ibig sabihin nito? Naghihintay, Jocson Elena

Sa iyo, Jocson Elena, Tukso ang ahas sa panaginip mo. Kaya ngayon, ikaw ay pinag-iingat sa tukso. Pero, hindi lahat ng tukso ay nauuwi sa masama, kumbaga, may mga natukso pero, gumanda ang kanilang buhay.

Ito ay dahil ang pag-ibig ay minsang nagmumula sa tukso.

Nangyayari ito dahil ang nanaginip ay pinaniniwalaang nasa wastong edad na para sa romantikong pakikipagrelasyon.

Minsan, mahirap tanggapin ang ganitong katotohanan, lalo na sa panig ng mga moralista.

Pero, lahat ay may alam na ang pakikipagtalik ay hindi puwedeng wala sa love at ang love ay hindi puwedeng wala kapag nakikipagtalik.

Sa ganitong katotohanan sa buhay, ang payo ng panaginip mo ay huwag kang matakot magmahal.

Pero, naroon pa rin ang takot dahil sino ba naman ang hindi takot sa ahas? Kaya lang, sa usapang love at pakikipagtalik, hindi dapat katakutan ang ahas o tukso.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page