top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

To the rescue sa apo, mga netizens, tinawag na demonyo… RESBAK SA LOLA NI JULIA: KUNSINTIDOR KA, MGA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 4, 2019
  • 2 min read

HINDI na nakatiis ang 83-year-old na lola ni Julia Barretto na si Mrs. Inday Barretto at sa Instagram post ng TV Patrol reporter na si Mario Dumaual tungkol sa interview ni Bea Alonzo kung saan sinasabi ng aktres na hindi sila nag-break ni Gerald Anderson kundi bigla na lang siyang hindi kinausap ng BF na aktor, nag-comment ang ina ng Barretto sisters na sina Gretchen, Marjorie at Claudine.

Doon ipinagtanggol ni Mrs. Inday si Julia na tinawag ng kung anu-anong masasakit na salita ng mga netizens dahil ito ang itinuturong dahilan ng breakup nina Bea at Gerald.

Isa sa mga sinabi ni Mrs. Inday, ang alam niya ay third breakup na ito nina Bea at Gerald at kung totoo raw na ‘non-breakable’ ang dalawa, walang makakapaghiwalay sa mga ito.

Ipinunto rin niyang si Ge­rald ang dapat magpaliwanag sa breakup nila ni Bea dahil ‘issue’ na nilang dalawa ‘yun at hindi si Julia na itinuturo ngang third party.

May comment pa si Mrs. Inday sa IG post na ganito ang nilalaman: “The members of my family thanks to God are: Beautiful, well bred, well groomed, intelligent and articulate, also- friendly and amiable which draw people to them (to mention a few). Do you honestly think, they even have to FLIRT pa with what humans seek?

“What- nagbubuhat ako ng BANKO? BUT OF COURSE!!! TINATAPAK-TAPAKAN na lang ng kung sinu-sinong mga demonyo? I Am NOT ABOUT TO APOLOGIZE FOR WHATEVER BLESSING AND TALENT GOD ATTRIBUTED TO MY FAMILY (IN INGRATITUDE DESIGN TO MAKE THE ENVIOUS LOSERS HAPPY) As for others-look to yourselves, everyone has their own beauty - if YOU can’t find the value of what you have, thus feel insecure - I suggest maghanap kayo ng PANGIT or Better Still - ITALI NIYO BLINDFOLD THE EYES.”

Dahil sa sinabi ni Mrs. Inday, pati siya ay binash na rin ng ilang netizens (kesehodang 83-anyos na siya, ha?) na hindi agree sa mga sinabi niya at naniniwalang inahas ni Julia si Gerald kay Bea.

Sabi ni jpmontano2016, “@bar­rettoestrella You are a hypocrite. Matanda na walang pinagka­tandaan. Hoy, kunsin­tidor ka, mga anak mo nga, kabit? Mga makasalanan sa mata ng sinasabi mong Diyos.. Pati ‘yung apo mong si @juliabarretto mahilig makiapid. You are barking at the wrong tree old hag.. ‘Di ka karespe-res­peto. Bagay ka sa basurahan.”

Pero agad din namang nilinaw ng Barretto matriarch na hindi si Bea ang inaaway o pinapa­tutsa­dahan niya sa mga comments niya kundi sinasagot lang daw niya ang mga netizens na below the belt na ang mga banat sa kanyang apong si Julia.

Well, hindi naman siyempre maiaalis na masaktan ang lola ni Julia dahil sa iba’t ibang masa­sakit na katawagang ikinakapit ngayon sa young actress.

Pero sana, nanahimik na lang si Mrs. Inday at hinayaan ang anak na si Marjorie at si Julia na magsalita sa issue dahil kung totoo namang malinis ang kunsensiya ni Julia, hindi na niya kailangan ng abogado para magtanggol sa kanya.

May point ba?!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page