Lasing na nag-amok tepok sa parak
MASBATE—Isang lasing na nag-amok ang napatay ng pulis kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Pio V. Corpuz.
Ang suspek ay kinilalang si Rolly Manatad, nakatira sa Bgy. Cabangyaran sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, dala ng labis na kalasingan ay bigla umanong nagwala si Manatad at hinabol ng saksak ang anak nitong si Ramil.
Kaagad rumesponde si P/Sgt. Charles Catarig, pero tinangka rin itong saksakin ni Manatad kaya napilitan ang pulis na barilin ang suspek na agad nitong ikinamatay.





Comments