top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

'Di lang daw cocaine, Jennylyn… DENNIS, AMINADONG INALOK NG IBA'T IBANG DROGA SA CAMBODIA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 4, 2019
  • 2 min read

DAHIL cocaine ang tema ng pelikulang Mina-Anud, natanong ang cast sa presscon kung may time ba na inalok sila ng naturang ipinagbaba­wal na gamot at umamin naman agad ang mga bidang sina Dennis Trillo at Jerald Napoles.

Ayon kay Dennis, nang minsang pumun­ta siya sa Cambodia ay may mga lumapit sa kanya para bentahan ng droga.

Nagpunta kami sa Cambodia nu’n, tapos bumaba kami sa isang lugar. Tapos, pababa pa lang kami sa sinasakyan namin, marami nang lumalapit para mag-alok ng iba’t ibang klaseng mga... hindi lang cocaine, kung anu-ano pa.

“Pero siyempre, nasa ibang bansa ‘yun, nakakatakot naman na i-entertain ‘yung mga ganu’n, so iniwasan na lang namin,” kuwento ni Dennis.

Ganito rin ang kuwento ni Jerald na sa ibang bansa rin inalok ng droga.

“Kasi ganito po ‘yan, eh. ‘Pag nalaman nilang artista ka, sa ibang bansa, ‘pag nagpunta kang abroad, may naging ka-close ka ru’n, iisipin nila, ‘Ah, rock and roll guy ‘to. This guy does drugs, party guy ‘to.’ So, may offer agad.

“Kung tutuusin din, dahil abroad ‘yun, puwede mong kagatin. Abroad ‘yun, malalaman ba rito?

Pagdating mo rito, sober ka na,” saad ni Jerald.

Pero hindi raw niya ito pinatulan simply because alam niyang hindi ito makakatulong sa kanya.

Ako, honestly, sa disposisyon ko sa buhay, meron kasi akong sariling path na tinatahak sa career ko, so, ‘yung mga bagay na kailangang iwasan, iwasan. ‘Yung mga bagay na gusto kong i-enjoy, ie-enjoy ko.

“So, kung sa tingin ko, ‘yung mga ganitong bagay, makakatulong sa akin as a person, at kung makakatulong sa akin as a person, ibig sabihin, makakatulong sa career ko, eh, I would enjoy that.

“Pero kung hindi, kahit na may offer, at libre, eh, hindi natin masyadong papansinin ‘yan,” sey ni Jerald.

Sa Mina-Anud ay ginagampanan nina Jerald at Dennis ang magkaibigan na na-involve sa cocaine. Base ang pelikula sa real-life events that took place in 2009, where 3 tons of high-grade cocaine mysteriously washed up on the shores of a peaceful seaside community in Eastern Samar.

Magsisilbing Closing Film ang Mina-Anud sa Cine­malaya 2019 Film Festival at magkakaroon ng nationwide release sa mga sinehan on August 21.

Directed by Kerwin Go, kasama rin sa pelikula si Matteo Guidicelli mula sa Regal Entertainment and Epicmedia.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page