top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Bebot na nao-obsessed sa dyowa dahil sa sobrang bait

ROMA AMOR
Aug 4, 2019
1 min read

Dear Roma,

Ako si Nelly, 23 years old. May BF ako at 32 years old na siya. Magan­da ang trabaho niya at may sarili siyang ne­gosyo. Stable na ang bu­hay niya at ilang beses na niya akong inalok ng ka­sal, pero hindi ako puma­payag kasi ang gusto niya, after 9 years pa. Nagpo-propose lang daw siya, para maging parte ng pre­parasyon namin sa buhay. Sobrang tagal ng 9 years at sa tuwing niyayaya ko si­yang magsama na kami, ayaw pa niya dahil hindi pa raw kami handa pareho para sa ganu’ng buhay. Da­hil ramdam kong igi­na­­galang niya ako, lalo ko si­yang nagugustuhan. Mas­yado na akong obsessed sa kanya, tama lang ba ito? — Nelly

Nelly,

Ang pagiging obsessed sa karelasyon ay normal na bahagi ng pagmamahal. Ma­­ganda rin na hindi kayo magmadali dahil ang bu­hay-mag-asawa ay mahi­rap, lalo na kung hindi ninyo lubusang kilala ang isa’t isa na pangunahing rason ng talamak na broken-family. Sapat na ang 9 years para maging stable ang magiging buhay ninyo bilang mag-asa­wa at para rin sa kina­bukasan ng mga magiging anak ninyo. Hindi mo ma­pipigilang maging obsessed sa kanya, pero, magbigay ka rin ng sapat na oras sa sa­rili mo, gayundin, ingatan mong makaramdam ng se­los. Obsession din kasi ang dahilan ng selos na hin­di ma­giging maganda kung palagi mong paiiralin. ‘Yun lang! God bless!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page