2 ex-GF at bago ni Gerald, Bea… KIM, MAJA AT JULIA, SAMA-SAMA SA TATE
- BULGAR

- Aug 4, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

SAYANG at hindi kasama si Gerald Anderson sa mga Kapamilya stars na nag-show sa Bay Area sa San Francisco, California para sa ASAP Natin ‘To. Magkakasama kasi roon ang mga ex-GFs niyang sina Maja Salvador at Kim Chiu at ang nali-link sa kanyang si Julia Barretto.
Napanood namin ang IG Story nina Maja at Kim na nagbibiruan at sumama sa kanila si Direk Johnny Manahan. Kunwari, nag-audition si Maja na singer, tawa naman nang tawa si Kim.
May photo namang magkasama sina Maja at Julia na ang caption ng mga netizens ay Gerald’s ex and present GF. Ang walang picture ay sina Kim at Julia.
Naka-disable ang comments section ng Instagram (IG) account ng A.S.A.P. sa picture ni Julia, kaya walang makapag-comment. Ang ibang kasama sa grupo, pati ang controversial na si Paulo Avelino, open ang comment box.





Comments