SA LAKAS NG ULAN AT TRAPIK, NCAA SRS GAMES, KINANSELA!

KINANSELA kahapon ng 95th National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa FilOil Flying V Centre ang tatlong seniors games at napagpasyahan ng liga na ire-schedule ang matchups sa pagitan ng San Beda University at College of St. Benilde, San Sebastian College-Recoletos at University of Perpetual Help, Arellano U at Lyceum dahil na rin sa matinding buhos ng ulan sa Metro Manila, kahapon ng umaga.
“Due to the late suspension of classes, the games scheduled at 12pm onwards for Friday, 2 August 2019 are CANCELED and shall be played on a date and time to be determined later,” ayon kay League Management Committee Chairman Peter Cayco sa isang statement.
Ang ikatlo at huling Juniors Game ng araw na iyon sa FilOil Flying V Centre ay sa pagitan ng Braves at Jr. Pirates na kanselado na rin. Samantala, ang morning matchups sa pagitan ng Red Cubs at Jr. Blazers, maging ang matchup ng Staglets at Jr. Altas ay lalaruin sa ibang araw.
Samantala, kahit maulan at malamig ang panahon, naging mainit ang mga natapos na laro sa Juniors Division.
Ibinigay ng La Salle Green Hills ang unang talo ng San Beda University, 99-98, sa overtime habang pinadapa ng University of Perpetual Help System-Dalta ang San Sebastian College, 67-62.





Comments