top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pasabog ng bulgar online, abangan!

  • Bulgar Shoutout
  • Aug 3, 2019
  • 1 min read

BULGARAN

Sawa na ba kayo sa mga malulungkot na headlines?

Tiyak na ang gusto n’yo ay ‘yung happy lang, walang stress.

Kung ganu’n, stay tuned lang kayo sa Bulgar online dahil may mga masasaya kaming pakulo at pasabog para sa inyo tulad ng “BULGARAN!”

Limang guwapo, makukulit at game na game na magkakaibigan ang maghahatid sa inyo ng mga napapanahong issue sa paraang magaan, makaka-relate kayo at tamang kulitan.

Makakasama natin sa Bulgaran sina Big Boy Cheng at Milton Sy ng Secret Fresh para lagi tayong updated sa mga usong damit, sapatos, at collectable art works. Makakasama rin natin sina Ryan Bonifacio Sison, Executive Publisher ng Bulgar at si Jose Guevara, na makikipagkuwentuhan tungkol sa mga trending at viral sa news at social media. Nandiyan din si Lester Codog ng Foil a Car industries para makapagbigay ng travel tips na puwedeng-puwedeng maging next road trip ng barkada!

Meron din tayong Showbiz segment – ang #CelebBTS kung saan mabibigyan kayo ng behind the scene, VIP access sa daily lives ng mga paborito n’yong artista. Sa tulong ni Ateng Janice Navida, Asst. to the Exec. Publisher/Showbiz Editor, malalaman natin ang iba’t ibang ganap ng ating mga idolo ‘pag wala sila sa harap ng camera. Ipapakita din dito ang mga naipundar nilang negosyo mula sa kanilang showbiz career.

At siyempre, abangan din ang mga araw-araw na hugot ni Bulgarito!

Kaya ano pa’ng hinihintay n’yo? FOLLOW NA!

Instagram:@bulgar_online at @bulgarito91 Facebook: @BULGAR.OFFICIAL at @Bulgarito.Official Website: www.bulgaronline.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page