top of page
Pokwang.jpg

Palad ng babaeng seseryosohin ng lalaki

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 3, 2019
2 min read

KATANUNGAN

  1. Minsan na akong nabigo sa pag-ibig at sa ikalawang boyfriend ko ngayon ay ayaw ko nang maulit pa ito, pero nag­ka­kalabuan na naman kami. Bihira na siyang tuma­wag at mag-text at ang palagi niyang kat­wi­ran ay busy daw siya sa kan­yang trabaho. Na­ka­­destino siya nga­­yon sa Baguio dahil En­gi­neer siya.

  2. May nakita akong island o bilog sa aking Heart Line at minsan ay nabasa ko sa inyong artikulo na ang bilog o is­land ay tanda ng kabigu­an. Ibig sabihin ba nito ay mabibigo na naman ako?

  3. Sana, hindi na dahil mahal na mahal ko ang boyfriend ko ngayon at siya na ang gusto kong ma­katuluyan.

KASAGUTAN

  1. Tama ka, Mheanne, kapag nakakita ka ng bilog o island sa Heart Line (Dra­wing A. at B. h-h arrow a.) higit lalo kung matatagpuan ito sa kaliwa at kanang palad tulad ng nasa palad mo, ito ay malinaw na senyales ng ma­tinding kabiguan sa pag-ibig.

  2. Gayunman, ikaw ang nagsabing nabigo ka na sa unang pag-ibig, kaya im­posibleng mabigo ka pang muli dahil tulad ng nakikita sa iyong palad, iisa lang ang nasabing bilog o island (ar­row a.). Ibig sabihin, matin­ding kabiguan lamang at ang kabiguang ito ay tapos na.

  3. Habang, ang Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) na nagsimula o na­tapos sa ilalim ng daliring hin­tuturo na tinatawag ding Mount of Jupiter na sina­sabi rin nating Bundok ng Kali­gayahan (arrow b.) ay nag­papahiwatig na matapos ang matinding kabiguan sa pag-ibig, tunay ngang ma­li­gaya at panghabambuhay na relasyon ang magiging ka­palit na kasalukuyan mo ng di­naranas sa piling ng boy­friend mong Engi­neer higit lalo kung ang nasabing lalaki ay isinilang sa zodiac sign na Pisces na siyang ka-compa­tible ng zodiac sign mong Can­cer.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Anumang marka o tanda na nakikita sa guhit ng palad, ang lahat ng ito ay may petsa o takdang panahon kung kailan magaganap.

  2. Kaya sa pag-aanalisa ng kapalaran, tatlong bagay ang dapat isalang-alang upang mahawakan mo ang tagumpay at ligaya sa maikli nating buhay.

  3. Una, ano ang magaga­nap sa kanyang kapalaran? Pangalawa, kailan ito magaga­nap? Pangatlo, anumang ka­palaran ang maganap, nega­tive o positive, kaila­ngan ang pagkilos, kaya ang su­sunod na tanong, “ka­pag nangyari sa akin ang kapalaran kong ito, ano ang gagawin ko?”

  4. Sa ganyang pa­raan, pi­naghahandaan mo talaga ang buhay at kapalaran mo, anu­mang kaganapan ang mang­yari sa iyo, masaya ka, kasi alam mo ang mang­yayari at magiging ka­palaran mo at masaya ka dahil nakibahagi ka sa kapalarang ito ng may sariling pagpapasya.

  5. Habang, ayon sa iyong mga datos, Mheanne, dapat kang magtiwala sa kasaluku­yan mong boyfriend dahil ang totoo, busy lang siya kaya pansamantalang tumam­lay ang inyong komunikasyon, ngunit, anuman ang mang­yari, walang duda, sa dakong huli, kayo pa rin ang magka­katuluyan na nakatakdang maganap sa susunod na ta­ong 2020, sa edad mong 28 pataas na hahantong sa ma­ligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page