Narinig n'yo 'yun, mga Kapuso? SIGAW NI ALDEN: NAGING MAGALING NA AKTOR AKO DAHIL KAY DIREK
- BULGAR

- Aug 3, 2019
- 3 min read

PARANG tumama sa lotto ang Star Cinema at ABS-CBN sa ngayon dahil ang kanilang project na Hello, Love, Goodbye, na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo and Alden Richards ay nakapagtala na ng nasa P66M sa box office on its second day of showing in over 350 cinemas nationwide.
Sa naging panayam kay Alden, naibulalas niya na ang kanyang pagko-cross over sa karibal na network (ABS-CBN) to do the film was one of the biggest breaks in his career.
“Yes of course, this is one of the greatest decisions that I’ve made, projects that I’ve done and parang mas na-validate ko ‘yung sarili ko bilang actor sa pelikulang ito. Si Direk Cathy (Garcia-Molina), sobrang inilabas niya ‘yung mga kaya ko pa palang ibigay.
“Actually, may isang linya ru’n na sinabi ko kay Kath (Kathryn Bernardo) as Joy na, ‘I will always remember you as someone who believed that I can be more.’ ‘Yun kasi ‘yung paniniwala ni direk sa akin, that I can be more. When I was saying it to Joy and to Direk Cathy as well.
“Parang si direk talaga ‘yung isa sa mga naniwala sa akin na may kaya pa akong ibigay bilang actor at ‘yun ‘yung pinagpapasalamat ko,” bungad na pahayag ng aktor.
Naikuwento pa ng Kapuso actor na nakaramdam siya ng kaba during their first shooting day. “Yes, kasi ‘yun ‘yung first day ko sa pelikula so siyempre, kabado. Parang ibinigay ko lang kay Kath ‘yung eksena. I really adjusted to her, kung saan siya mas comfortable.
“Sumunod lang ako sa instructions kasi, siyempre, I have to make Kath comfortable as well kasi siya ‘yung babae. Marami rin siyang kino-consider especially when doing scenes. But we were able to deliver well sa scene na ‘yun and nakakatawa naman siya. It’s really not about the scene, eh, kung ano ‘yung nandu’n but ‘yung message nu’ng scene kung bakit nangyari ‘yun. Du’n kasi nagsimula lahat,” kuwento pa ni Alden.
Bilang kilalang box office director at metikulosong magtrabaho si Direk Cathy, naramdaman din daw nito ang pressure habang nagsu-shooting na galingan ang pag-arte.
“Dahil alam ko ‘yung mga pelikula ni direk. Nakita ko, napanood ko firsthand. Way back before lagi kong sinasabi ‘yan at pina-plan. Isa ‘yun sa mga dahilan kung bakit ko pinapanood ‘yung mga pelikula nila.
“So, siyempre, parang eto ‘yung idol mo tapos makakatrabaho mo. Parang tinitingala ko lang dati si direk. Ngayon, katrabaho ko na, so, ang daming nagbi-build na wall. So, ang nangyari all throughout the movie habang isinu-shoot namin siya, binabasag nang binabasag ni direk (‘yung wall). Kaya nu’ng una-una, medyo maraming takes,” paliwanag pa ni Alden.
In fairness, pinuri rin ang akting ni Alden sa movie. Bilang si Ethan na kanyang karakter, hindi raw nito sino-solo ang credits sa kanyang performance. Group effort kung bakit napakagandang film ang HLG, especially with Direk Cathy na siyang nasa likod ng kamera.
“It’s all because of direk Cathy, ‘yun ‘yung gusto ko sabihin talaga. Kasi bilang actor for nine years, meron ako kumbaga mga habits of an actor, meron na akong nakasanayan gawin.
“Kaya sabi ni direk before doing the film, forget everything you think you know kasi wala lahat ‘yan, invalid lahat ‘yan sa pelikulang ito. So, sinikap ko talagang i-zero ‘yung experiences ko. Tinanggal ko lahat ng mga techniques ko before pagdating sa mga eksena.
“Pero usually ‘yung mga maliliit na eksena ru’n ‘yung mga mahirap, du’n mainit ‘yung mata ni direk na take ten, take 11. ‘Hindi tayo uuwi dito hangga’t hindi mo naaayos ‘yan.’ Sabi ko, ‘Opo direk, sige.’ Tapos the famous line, ‘Huwag mo ako artehan.’ ‘Yan ‘yung isa sa mga favorite kong sinasabi sa amin ni direk ‘pag may eksena.
“Pero kung ‘di dahil kay direk, kung ‘di dahil sa napakagandang pagsusulat, hindi naman magiging ganu’n ‘yung delivery ko as Ethan.
“Kumbaga it’s all teamwork and malaki ang pasasalamat ko kay direk kasi sobrang naiba ‘yung dating ng pag-arte ko dito sa pelikula and may nabasa akong review na nakita ‘yun because of direk. It’s all because of Direk Cathy. Binigyan ako ni direk ng bagong pangarap, to be able to do more movies like Hello, Love, Goodbye and tell more great stories through a film,” pahayag pa ni Alden.





Comments