Kung todo-lambingan noon… JOSHUA, 'DI NA MA-TAKE AKBAYAN SI JULIA

Nitz Miralles / BIDA

MAGKASAMA sina Joshua Garcia at Julia Barretto sa A.S.A.P. Natin ‘To na gagawin sa Bay Area sa San Francisco, California this Saturday.
Sa airport, na-interview si Julia na first time nagpakita pagkatapos pumutok ang isyu sa kanila nina Gerald Anderson at Bea Alonzo. Sabi ng nag-interview kay Julia na si MJ Felipe, all smiles ang aktres at nabanggit na excited siya to be performing lalo na at first time niya sa San Francisco.
“I’m excited that I’m going to be with other artists also,” wika ni Julia.
Na-interview din ni MJ si Joshua na nagpahayag ng suporta sa ex-GF.
“Siyempre, naging karelasyon ko rin si Julia. Nasasaktan ako for her, sa nangyayari, pero I think makakabangon naman siya,” sabi ni Joshua.
Nagpakuha ng picture na magkatabi sina Joshua at Julia at makikitang wala na ang sweetness nila hindi kagaya dati. Hindi na umakbay si Joshua kay Julia dahil nasa likod na ang mga kamay at braso ng aktor.





Comments