'Di na kailangan ang maraming gamot... PINAKULUANG LEMON, PAMPASEKSI AT PAMPAKINIS NA, OKS PA SA
- Ronalyn Reonico
- Aug 3, 2019
- 2 min read
No Problem

SADYANG masustansiya ang citrus fruits tulad ng lemon. Pero, common na ang gumawa ng lemon juice kung saan inihahalo ang katas nito sa tubig.
Mga ‘tol, nasubukan n’yo na bang pakuluan ang ilang piraso ng lemon? Sey ng experts, ang ganitong proseso ay mas mainam. Anu-ano nga ba ang health benefits na makukuha sa boiled lemon water?
1. NAKAPAGDUDULOT NG SAPAT NA LAKAS SA KATAWAN. Ayon sa manunulat na si Debika Chakraborty, ang lemon ay sagana sa Vitamins B-6 at C, sodium, iron, magnesium at potassium na nakapagpapabuti sa brain at nerve function at tumutulong para kontrolin ang blood pressure, kaya napalalakas nito ang ating immune system.
2. NAKATUTULONG SA PAGBABAWAS NG TIMBANG. Makatutulong ang pag-inom ng lemon para sa mga gustong magbawas ng timbang dahil sa fiber na taglay nito. Ang fiber ang dahilan kaya hindi madalas nakararamdam ng gutom ang ilan, sa ganitong paraan, maiiwasan ang madalas na pagkain.
3. NAKAPAGBIBIGAY NG MAMULA-MULANG BALAT AT MAAYOS NA KUTIS. Ang mga bitamina ng lemon is the key para ma-achieve ang healthy glowing skin, mga lodi! Ang pinakuluang lemon water ay nakatutulong din para maayos ang blood circulation na lubos na kailangan para sa produksiyon ng new blood cells. Ang Vitamin C na taglay nito ay mayroong antioxidant properties na tumutulong para mabawasan ang wrinkles at blemishes ng balat. Nilalabanan din nito ang mga bacteria na nakapagdudulot ng acne.
4. TUMUTULONG SA SISTEMANG PANUNAW NG KATAWAN. Sa pamamagitan ng pag-inom ng pinakuluang lemon water, may posibilidad na maalis ang unwanted materials at toxins dahil pinatataas nito ang rate of urination ng ating katawan. Ayon sa Tasty Yummies, ang komposisyon ng boiled lemon water ay tulad ng laway at hydrochloric acid ng sistemang panunaw. Pinararami nito ang produksiyon ng bile (acid na mula sa liver) na kailangan para sa panunaw. Dahil sa minerals at bitaminang taglay nito, naaalis din ang mga toxin sa digestive tract. Mainam ito para sa mga nakararanas ng indigestion, heartburn at bloating. Dagdag pa rito, ang pinakuluang lemon water habang mainit-init pa ay recommended para sa mga taong mayroong cancer.
5. NAKAPAGPAPABANGO NG HININGA. Sey ng Tasty Yummies, bukod sa fresher breath na naidudulot ng lemon, nare-relieve rin nito ang pananakit ng mga ngipin at gingivitis. Anila, mas oks ang pagsesepilyo bago uminom ng lemon water. Bilang karagdagan, ang amoy ng lemon ay mayroong mood enhancing at energizing properties. Napag-alaman din na ang lemon ay nakatutulong para ma-reduce ang anxiety at depression. Kaya ano pa ang hinihintay ninyo, mga 'tol? Inom na ng pinakuluang lemon water! Mas okay din kung hahaluan ito ng honey! Hi-hi-hi!
Okiee?




Comments