top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

'Di lang masarap na panghimagas... GELATIN, MABISANG PANTANGGAL NG BLACKHEADS!

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 3, 2019
2 min read

Nakaka-bad- trip ang itim na batik-batik sa ilong na sobrang hirap ali­sin? Blackheads ‘yan, besh! Parang anino na ayaw ma­alis-alis, ganyan ka niya kamahal, ‘yung tipong hindi ka iniiwan. Isa ka ba sa mga nagdurusa sa pagkakaroon ng blackheads?

Well, besh, kung ga­nu’n, para sa iyo ito!

Galit na galit tayo sa pagkakaroon ng black­heads, pero may hamon siya sa iyo.

Iiwan ka lang daw niya kung alam mo ang Tagalog term niya bukod sa itim na ulo. He-he-he! Biro lang, mga lodi! Pero, alam n’yo ba kung bakit nagkakaroon ng black­heads ang tao? Ganito kasi ‘yan, nabubuo ang black­heads dahil sa oil at dead skin cells na bumabara sa pores ng mukha.

Ang oil na ipino-pro­duce ng balat ang nag-iipon ng mga dumi at kung hindi ito huhugasan o hihilamusan, 'yun na, magkakaroon ka na ng blackheads.

Pero, don’t worry, knows ba ninyo na may ma­daling paraan para ma­tanggal ito? Hindi ka na nasaktan, hindi ka pa ga­gastos ng malaking halaga.

Ang sagot sa proble­ma? Gelatin! Gulat ka, ‘noh? Walang hiwaga, ‘tol!

Kaya para magawa ito, kumuha ng isang kutsa­rang unflavored gelatin at ilagay sa lalagyan at lagyan ng kalahating kutsarang gatas at haluin, tapos, pai­nitin ang gelatin sa loob ng sampung segundo at pa­lamigin nang kaunti.

Sunod, isawsaw ang daliri sa gelatin at ipahid sa mukha at patuyuin. Pang­huli, tanggalin ang pina­tuyong gelatin at makikita mong halos lahat ng black­heads sa iyong mukha ay sasama na rito!

Oh, ayan, mga ‘tol! Ngayong may katapat na ang blackheads ninyo, matatakot na siyang bisi­tahin ka!

Pero, paalala lang, hindi lahat ng uri ng gelatin ay mainam gamitin para sa prosesong ito. ‘Yung un­flavored gelatin lang ang gamitin, mga lodi!

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page