top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Aktres, kahit atat na atat na… KASAL NI MAJA SA BUSINESSMAN BF, HINAHARANG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 3, 2019
  • 1 min read

UNANG tumawag ng aming pansin ang byuti at talento ni Maja Salvador sa One More Chance na isang Star Cinema movie na pinagtambalan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Nakaw-eksena si Maja bilang Trisha at ipinagtanong namin kung saan siya galing. Narinig pala ni Phillip Salvador ang aming query.

“Natural na maganda at magaling ‘yung bata. Anak siya ni Ross Rival, du¬gong-artista,” pagmamalaki ng Tito Ipe ni Maja.

Wala na si Ross pero kung buhay siya’y ikararangal niya tiyak si Maja.

Malayo na ang nararating ni Maja, marami na itong pinagbidahang movies.

Angat pa ang mga papel niya sa mga tele¬dramang kanyang nilabasan.

Ngayon, nasa title role ng Killer Bride ang morenang aktres na tulad ng ibang Salvador ay magaling ding umawit at sumayaw.

Kaya naman, nakaramdam ng panghihinayang ang ilang fans ni Maja nang marinig na kinilig at atat na raw siyang pakasalan ng kanyang rich businessman boyfriend. Ang worry nila, baka mawalan na ng career si Maja kapag nag-asawa kaya ‘wag daw muna sana.

Anyway, kasama rin ni Maja sa Killer Bride sina Janella Salvador at Joshua Garcia.

Hiling ng Maja fans, muli silang mag¬sama-sama sa movie nina Lloydie at Bea. Bongga nga naman ‘yun!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page