Provincial bus ban sa EDSA, kasado na!
- BULGAR

- Aug 2, 2019
- 1 min read

KASUNOD ng laban-bawi sa provincial bus ban sa EDSA, nagkaroon na umano ng pagkakaunawaan sa pagitan ng gobyerno at ng mga grupong apektado.
Ito ay matapos mangako ang mga public transport operator na makikiisa sa implementasyon ng dry run nito.
Sa pulong kasama ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at mga bus operator , inihayag ni MMDA General Manager Jojo Garcia ang pagkalugod sa pangakong pakikiisa sa bus ban.
Matatandaang, iniutos ang pagsisimula ng dry run ngayong Agosto 7. Kasabay nito, hindi pa umano magpapataw ng multa ang ahensiya sa sinumang mahuhuli sa bus ban.
Marami-rami nang panukalang-batas ang inilatag para masolb ang malalang trapik sa EDSA. May ilang nailarga at nakatulong naman habang ang iba ay hindi umubra.
Hanggang sa umabot sa provincial bus ban na pinalagan hindi lamang ng mga operators at drivers kundi maging ng mga pasahero. Kaya mainam din na masubukan muna para malaman kung epektib o hindi.
Kung magdudulot ng mas malalang trapik o maging dahilan ng panibagong problema, eh, puwede namang ipatigil.
Gayunman, habang pinag-aaralan natin itong bus ban, huwag nating kalimutan ang mga kolorum na sasakyan at iligal na terminal. Napakalaking bagay kung mawawala ang mga ito.





Comments