top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Kaya pinigilang tablan sa tikiman nila… KIT, NATAKOT NA MAKITA NI MYLENE ANG MANOY NIYA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 2, 2019
  • 2 min read

IN a scale of 1-10, 9 ang ratings ni Mylene kay Kit in terms of yumminess at pagka-hot.

Nag-react tuloy si Kit na bakit binitin pa at sagot ni Mylene, “Ten ‘yung dyowa ko, ‘no! Nine ka lang!”

Ang dyowang tinutukoy ni Mylene ay ang basketball coach na si Jason Webb.

‘Pag tinen kita, sabihin ng dyowa ko, ‘Ay, it’s a tie?’ Outside the kulambo ako. Nine ka lang,” dagdag pang sabi ni Mylene kay Kit.

Mayroong tatlong love scenes sina Mylene at Kit sa Belle Douleur kaya natanong ang dalawa kung hindi ba sila na-turn-on sa isa’t isa?

I’m sure, alam na nating lahat ito, mahirap yatang ma-turn-on. Tume-tren, may taong nakatitig sa ‘yo to begin with, tapos may boom mic pa na nakaganyan (nakatutok), ‘di ba?” sey ni Mylene describing the scene in a shooting.

Ayon naman kay Kit, mahirap na ma-turn-on siya at baka biglang may mag-appear.

May kontrobersiyal na butt exposure si Kit sa movie kaya natanong naman si Atty. Joji kung paano niya na-handle ang eksena since first time nga niyang magdirek.

Nakakaaliw ang sagot ni Direk Joji.

Actually, ang naging malaking problema namin nu’n ay kung sino ang maglalagay ng plaster sa harap (ni Kit). Ang daming nagbo-volunteer, kaya lang, tinang­gihan ko silang lahat, kasi alam kong may pagnanasa,” natatawang kuwento ni Direk Joji.

“So, ang pinili ko ay ang aking assistant director who is a gay-girl. Galit na galit siya sa akin, bakit daw siya,” natatawa pa ring dagdag ng lady director.

Lalong nagkatawanan nang may magsabing dapat daw ay direktor ang gumawa nu’n.

“Diyos ko!” natatawang sabi ni direk.

Pero ang maganda naman daw ay cowboy si Kit at sa simula pa lang ay alam na nito ang mga mapangahas na eksenang gagawin sa pelikula tulad ng butt scene and pumping scene.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page