Kahit ipinalabas sa 350 cinemas… FIRST DAY NG MOVIE NINA ALDEN AT KATHRYN, 'DI PA RIN NATAOB ANG
- BULGAR

- Aug 2, 2019
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP

BUONG-PUSONG tinanggap ng mga manonood ang pelikulang Hello, Love, Goodbye na unang pagtatambal nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Sa unang araw ng showing nito noong Miyerkules (July 31), kumita ito ng P34 million. Muntikan na rin nilang malagpasan ang P35 million na kinita ng The Hows of Us, ang highest-grossing film sa Pilipinas na pinagbidahan ng KathNiel love team. First time rin daw na ipalabas sa 350 sinehan ang isang local film.
“‘Di mabilang na pasasalamat po sa inyong lahat na sumama sa kuwento ng buhay nina Joy at Ethan at ng ating milyun-milyong kababayang OFWs,” ang naging pahayag ng Star Cinema noong Huwebes.
Ang Hello, Love, Goodbye ay tungkol sa dalawang OFWs na nagtatrabaho sa Hong Kong. Idinirek ito ng blockbuster director na si Cathy Garcia-Molina at isinulat naman ni Carmi Raymundo.
Samantala, sinuportahan din ni Maine Mendoza ang pelikula ng dati niyang ka-love team, kung saan nag-tweet siya ng poster at inimbitahan ang kanyang mga fans na panoorin ang Hello, Love, Goodbye nina Alden at Kathryn.
Ani Maine, “GUUUYS! Hello, Love, Goodbye now showing in over 350 cinemas nationwide! Sugod na sa sinehan! Congrats, @aldenrichards02 and @bernardokath!”
Agad namang nagpasalamat sa kanya sina Kathryn at Alden.





Comments