Horoscope | Agosto 02, 2019 (Biyernes)
- BULGAR

- Aug 2, 2019
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG AGOSTO 2, 2019 (Biyernes): Malabong mapigil mo ang iyong sarili sa pagtulong sa kapwa kahit ang marami sa kanila ay dinaraya ka lang. Kung dito ka masaya, ituloy mo lang ‘yan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit hindi mo na tutukan ang pagpapayaman, yayaman ka pa rin dahil ang pundasyon ng iyong magandang kinabukasan ay matatag at matibay. Ito ang menahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-22-23-30-35-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dumikit ka sa masayahin, ikaw ay susuwertehin, dumikit ka sa may kaya, gaganda ang buhay mo. Ayon sa iyong kapalaran, kung ano at sino ang dikitan mo ay magiging ganu’n ka rin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-18-20-24-39-40.
GEMINI (May 21- June 20) - Luwagan mo ang buhay mo. Ibig sabihin, magbawas ka ng tinututukang gawain. Ang hindi pagsunod sa nasabing payo ay maaaring magresulta sa kawalan nang pag-usad ng kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-15-21-27-31-45.
CANCER (June 21- July 22) - Kaya ka nagiging sunud-sunuran lang ay dahil kusa kang nagpapaalipin. Kapag ipinasya mo na ikaw na ang masunod, puwedeng-puwede at ito talaga ang kailangan mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-22-27-35-37-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Buwenas ka ngayon. Kahit hindi mo pinaghirapan ang magagandang kapalaran, ito ay darapo sa iyo. Kahit marami kang kahinaan, ang langit ay palagi kang nauunawaan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-17-22-34-38-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Piliin mo kung ano ang mabuti, pumanig ka sa kung ano ang tama. Ang totoo, kahit hindi sabihin sa iyo, tiyak na ito ang iyong gagawin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-14-24-27-35-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tama ka, bakit pahihirapan mo ang iyong sarili? Pero, kahit pa piliin mong mahirapan, aalisin ka ng iyong kapalaran sa mahirap na sitwasyon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-11-18-20-21-23.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano lang ang kaya mo, ‘yun lang ang gawin mo. Hindi maganda sa tao ang siya mismo ay pinahihirapan niya ang kanyang sarili. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-11-15-25-39-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bibigyan ka ngayon ng pagkakataong iangat mo ang buhay mo. Huwag mo itong sayangin. Ngayon mo na gawin ang matagal mo ng binabalak na magnegosyo. Sa ganyang paraan, aasenso ka! Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-23-28-30-35-36.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung ang iba ay kung saan-saan nakararating para lang hanapin ang kanilang suwerte, ikaw ay makikitang kusang nilalapitan ng mga ito. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-16-24-28-33-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ito gabay ng kapalaran, ito mismo ang iyong mararanasan na ang inakala mong hindi para sa iyo ay mahimalang yayakap-yakapin mo. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-24-27-30-34-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mahina ka, kahit hindi mo aminin, pero dahil mahal ka ng langit, bibigyan ka ng makaaagapay mo, kung pagpapasyahan mong mahalin, ikaw din ay papayagan ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-21-27-31-33-38.




Comments