top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Bea, kaya iniwan… GERALD, NANGONGOLEKTA LANG NG BABAE, 'DI FEEL MAGSERYOSO

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 2, 2019
1 min read

DAHIL kainitan pa rin ng isyu nina Bea Alonzo, Julia Barretto at Gerald Ander­son, may running joke na dapat magtambal sa isang pelikula si Maja Salvador (ex-GF ni Gerald) at ang playboy na aktor.

Bida sa seryeng The Killer Bride si Maja kaya ang puwede raw na title ng movie nila ni Gerald ay The Killer Bride Meets the Ghost Groom. ‘Di ba, nauso kay Gerald ang “ghosting” dahil mahusay daw itong mang-aswang at magparamdam sa mga girls kahit may Bea Alonzo na sa kanyang buhay?

It seems hindi si Gerald ang tipong magseseryoso at handang magpakasal sa babaeng kanyang nakakare­lasyon. Hindi siya ang tipikal na lalaking stick-to-one lang. Nasa stage pa siya ng kanyang buhay na collect nang collect ng girlfriend, pero walang plano na mag-settle down.

Hindi na rin niya binigyan ng respeto at importan­siya ang mga babaeng umibig sa kanya nang todo-todo dahil sinaktan at pinaglaruan lang pala niya ang emos­yon nina Kim Chiu, Maja Salvador, Bea Alonzo, atbp..

Hindi ito gawain ng isang “true gentleman.” Dapat isipin ni Gerald na ang katapat ng luha ng mga babaeng iniwan niya ay karma at may matinding kapalit ito.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page