After mapanood ang ginawa ng aktor at ni Kathryn… ANGELICA, UMAMING GUSTONG MA-TESTING SI ALDEN
- BULGAR

- Aug 2, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

KABILANG si Angelica Panganiban sa mga nanood ng Hello, Love, Goodbye sa premiere night at kabilang siya sa mga nakagusto sa pelikula.
Tweet ni Angelica: “Nagustuhan ko ‘yung Hello, Love, Goodbye. Given na magaling si Kath. First time ko makita si Alden umarte. Ang galing n’ya! Ayokong matapos ‘yung movie kasi gusto ko pa sila makita sa mga eksena. Ang powerful ng presence nila onscreen.”
Nagpasalamat si Alden kay Angelica sa tweet nito. Natandaan ng mga fans ni Alden na noong 2016 interview ni Angelica, nabanggit nito na gusto niyang maging leading man ang aktor halimbawang gumawa siya ng pelikula na younger man ang kanyang magiging kapareha. Matupad kaya ang nabanggit na ito ni Angelica?
Samantala, sa second day ng showing ng Hello, Love, Goodbye, may 380 theaters na ito at baka nadagdagan pa sa ngayon. Ang first day gross ay umabot nang P34,457,618.14, making the movie the highest-grossing film of 2019, so far.
Sa magandang review at box office gross ng Hello, Love, Goodbye, ang reaction ni Alden ay... “Parang isang panaginip... maraming salamat po!”
Kahit showing na ang Hello, Love, Goodbye, tuloy ang promo ng cast sa movie at pupunta pa sina Alden, Kathryn at Direk Cathy Garcia-Molina sa Dubai at Abu Dhabi.
May tsika ring may sisimulang bagong project si Alden kaya hectic pa rin ang schedule niya.





Comments