top of page

'Wag makuntento... PALAD NG MAS SUSUWERTEHIN 'PAG LUMIPAT NG TRABAHO O NAG-ABROAD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 1, 2019
  • 2 min read

KATANUNGAN 1. Sa kasalukuyan ay nagtatrabaho ako sa BPO company, pero hindi ako masaya sa aking suweldo, kaya balak kong mag-resign at lumipat sa ibang kumpanya.

2. Kung lilipat ako, papalarin kaya ako sa lilipatan ko? Marami na akong mga kasamahang nagsilipatan at maganda na ang suweldo nila ngayon.

3. Bukod sa kasalukuyan kong trabaho, nais ko ring malaman ang tungkol sa aking love life, ano ang nakikita ninyo, kailan ba ako magkaka-boyfriend ng seryoso at pangmatagalan? KASAGUTAN Tama ang desisyon mo, Leny, dahil ‘yan talaga ang uso ngayon, lalo na sa mga trabahong may kaugnayan sa services tulad ng BPO (Business Process Outsourcing) at call center related work at ang magpalipat-lipat ng kumpanya kung saan mas malaki ang suweldo ay tunay ngang masasabing kalakaran na umiiral sa kasalukuyang panahon. Ito ang nais sabihin ng nagbago, ngunit, kumapal at lalo pang gumandang Fate Line na tinatawag din nating Career Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

Tulad ng nasabi na, tama ang iniisip mo, kung sadyang mas malaki ang offer na suweldo, mas papalarin at uunlad ka, lalo na sa aspetong pampinansiyal sa ibang kumpanya kaysa sa kasalukuyan mong kumpanyang pinapasukan, tama lang na lumipat ka.

Dagdag pa rito, makalipas ang tatlo o apat na taong pagtatrabaho sa lilipatan mong kumpanya, kapansin-pansin din ang malawak at malinaw na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

Tanda na tulad ng nasabi na, kung 2019 ngayon, lilipas ang humigit-kumulang two to three years pa sa 2022 o kaya ay sa 2023, sa edad mong 29 pataas, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran na sa nasabing trabaho sa abroad na related din sa kasalukuyan mong work, lalo pang uunlad at sasagana ang kabuhayan mo sa aspetong pampinansiyal at pangmateryal na bagay. DAPAT GAWIN Habang, ayon sa iyong mga datos, Leny, nakahanda na ang magandang future para sa iyo ngayong 2019 hanggang sa 2020 kung saan pagpasok ng buwan ng Setyembre, tuluyan ka na ngang magre-resign sa kasalukuyan mong trabaho upang pagsapit ng buwan ng Oktubre, sa bagong company na lilipatan mo ay biglang lalaki at lolobo ang iyong suweldo, pero hindi pa ‘yun ang mas maganda dahil tulad ng naipaliwanag na, paglipas ng dalawa hanggang tatlong taon, sa kumpanyang lilipatan mo, maipadadala ka sa abroad at sa nasabing pangingibang-bansa, lalong lalago at mas magiging asensado ang career mo hanggang sa tuluy-tuloy ka ng umunlad at sumagana at sa bandang huli, sa ibang bansa ka na rin tuluyang makapag-aasawa at magkakaroon ng maligaya at panghabambuhay na pamilya (Drawing A. at B. t-t arrow b at 1-M arrow c.), hatid ng lalaking nagtataglay ng zodiac sign na Libra.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page