top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

PAMBATO SA ATHLETICS, OKS NANG MAG-ENSAYO SA CLARK

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 1, 2019
1 min read

NALALAPIT na ang pagbubukas ng ilang bahagi ng New Clark City Sports Complex, sa Capas, Tarlac sa kalagitnaan ng Agosto.

Magiging malaking bagay para sa mga atleta ang pagbubukas ng lugar dahil magagawa nilang makapag-ensayo rito at magiging pamilyar sa ilang pasilidad na pagdarausan ng ilang laro habang malapit lang sa dormitoryo.

Ang pasilidad ay binubuo ng 525 bilang ng kuwarto kabilang ang gym, cafeteria, mess hall, mini pool, basketball court, habang ang track and field oval ay tinatayang 96-porsiyento nang bukas sa mga Filipino tracksters, ay ang aquatics center ay matatapos na sa susunod na buwan.

Samantala, siniguro ng bagong Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino na matatapos sa tamang oras ang venues na gagamitin para sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games sa bansa. Inamin ni Tolentino na maaaring matapos umano ang mga konstruksiyon ng mga SEAG venues sa Setyembre. “For Sure, definitely by September, everything will be finished,” pahayag ni Tolentino noong Martes sa lingguhang PSA Forum sa Amelie Hotel sa Manila.

Ngunit, pinapangambahan ni Tolentino na baka hindi umabot ang konstruksiyon ng Bamboo Pavilion sa Miguel Romero Polo Field sa Calatagan, Batangas na pagdarausan ng sport na polo. “Ang kinakatakot ko lang ay ‘yung sa polo, ‘wag sanang mangyari pero, baka makuha pa natin sa panalangin, kasi meron silang magandang design sa Calatagan. Pero, daraan pa ‘yung August, September, October, at ang lalakas pa ng bagyo diyan. Diyan pa yata daraan ang bagyo, eh,” ani Tolentino, na siya ring head ng Integrated Cycling Federation of the Philippines (PhilCycling).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page