Masakit magsalita si labs
- ROMA AMOR
- Aug 1, 2019
- 1 min read

Dear Roma, Abby ang pangalan ko, 27 years old. May boyfriend ako na sobrang prangka at masakit magsalita. Minsan, okay lang sa akin dahil totoo naman ‘yung mga sinasabi niya, pero nasasaktan ako, kaya gusto kong maging sensitive rin siya sa mga sinasabi niya sa akin, lalo na kung mahal talaga niya ako. Ano ang dapat kong gawin dahil nalilito ako? — Abby
Abby, Alam mo, sis, ganyan talaga ang mga lalaki, natural sa kanila ang pagiging prangka, pero kung sumosobra na siya at hindi na niya iniisip kung ano ang mararamdaman mo, mabuting komprontahin mo na siya dahil kung ililihim mo sa kanya ang nararamdaman mo, maaaring maipon ‘yan na makakasama sa relasyon ninyo. ‘Ika nga, mahalaga ang komunikasyon para maayos ang problema. Kaya mo ‘yan, sis! God bless!





Comments