KAGAWAD, TINODAS NG ARMADO
Pabs Hernandez III
Aug 1, 2019
1 min read
SORSOGON—Isang kagawad ang namatay nang barilin ng ihindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Bgy. San Rafael, Donsol.
Ang biktima ay kinilalang si Kagawad Ronald Abetria, residente sa naturang barangay.
Nabatid na nanonood umano si Abetria ng dance party sa kanilang barangay nang lapitan ng suspek at agad pinagbabaril hanggang sa mapatay.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang suspek.





Comments