Habang may training flight, residential area sapol | MILITARY PLANE BUMAGSAK, 18 DEDBOL
NASAWI ang 18 katao habang marami pa ang sugatan matapos bumagsak ang military aircraft sa residential area malapit sa City of Rawalpindi, Pakistan.
Ayon sa rescuers, kabilang sa mga nasawi ang limang crew members at 13 sibilyan.
Nabatid na nagsasagawa ng training flight ang military plane na King Air 350 nang bumagsak sa mga bahay at nagdulot ng sunog kung saan ayon sa mga residente, nasusunog na ang eroplano bago pa ito bumagsak.
Ang Rawalpindi na malapit sa kabisera ng bansa na Islamabad, ang lugar kung nasaan ang headquarters ng Pakistani Army.
Dahil dito, nagpaabot ng pakikiramay si Pakistani Parime Minister Imran Khan sa pamilya ng mga nasawi at nasugatan sa insidente.
Samantala, ayon kay rescue services Spokesperson Farooq Butt, kinakailangang sumailalim sa DNA tests ang labi ng mga biktima para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga ito.





Comments