Facebook page ng General Manager ng PCSO, bukas na sa publiko
- Thea Janica Teh
- Aug 1, 2019
- 1 min read
Bulgarific
HELLO, Bulgarians! Para makasabay sa henerasyon ngayon at sa agarang solusyon at aksiyon ay pormal nang inilunsad ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang “Ipaalam Kay GM” na isa sa mga inisyatibo ng bagong General Manager na si Royina M. Garma.
Ito ay Facebook page na naglalayong magbigay ng oportunidad ang mamamayang Pilipino na direktang maiparating kay GM Garma ang kanilang mga katanungan, suhestiyon, komento, reklamo at iba pang isyu tungkol sa mga operasyon at empleyado ng PCSO.
Ibinahagi ni GM Garma na ito ay isang paraan para magkaroon ng tunay na pag-uusap sa pagitan ng PCSO at bawat Pilipino para sa agarang aksiyon. Ito ay bukas 24/7 para sa chat/text at 8:00am-5:00pm para naman sa tawag, mula Lunes hanggang Biyernes. Bukod dito, maaari ring tumawag sa Hotline 8888/ 0998-4068640 (Smart)/ 0956-9654381 (Globe).
Ito ay ilan lamang sa paraan ng PCSO at ni GM Garma na maibigay sa bawat Pilipino ang aksiyon at agarang pagsagot sa kanilang mga katanungan. Ito rin ay paraan para mas matutukan ang operasyon at empleyado sa lahat ng branch ng PCSO.
Lubos ding ipinababatid ng PCSO na balik na ulit sa operasyon ang mga sumusunod na lotto games matapos itong suspendihin noong Sabado, July 27, 2019. Ito ay ang Lotto 6/42, Mega Lotto 6/45, Super Lotto 6/49, Grand Lotto 6/55, Ultra Lotto 6/58, 6-digit game, 4-digit game, suertres lotto at EZ2 lotto.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments