BABAENG MOST WANTED CRIMINAL, TIKLO
Pabs Hernandez III
Aug 1, 2019
1 min read
ZAMBALES—Isang most wanted criminal ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa bayan ng San Felipe.
Ang suspek ay kinilalang si Nenette Caragdag, nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, inaresto ng pulisya si Caragdag sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong 5 counts ng paglabag sa Batas Pambansa 22.
Kusa namang sumama sa mga awtoridad si Caragdag nang dakpin siya sa naturang lugar.





Comments