MAGSASAKA NILIKIDA NG GUNMAN
Pabs Hernandez III
Jul 31, 2019
1 min read
MAGUINDANAO - Isang magsasaka ang namatay nang barilin ng hindi nakilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Ampatuan.
Kinilala ang biktima na si Salahuddin Kusain, residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, naglalakad umano si Kusain nang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktima.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments