top of page
Kris Aquino C.H.I.K.A. - NETFLIX

Kita sa birthday at zodiac sign... MAPAPANGASAWA PA RIN ANG GF NA SINGLE-MOM KAHIT MARAMI ANG TUTOL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 31, 2019
  • 2 min read

Dear Maestro, May girlfriend ako kaya lang, single-mom siya na may dalawang anak sa una niyang asawang Hapon, pero divorced na siya ngayon. Itatanong ko lang kung mapapangasawa ko ba siya kahit tutol ang mga magulang ko sa kanya? Compatible at kami na ba ang magkakatuluyan at magsasama, habambuhay? Sa totoo lang ay mahal na mahal ko siya, August 14, 1990 ang birthday ko at December 17, 1988 naman ang girlfriend ko. Umaasa, Mr. Leo ng Balasing, Santa Maria, Bulacan Dear Mr. Leo, Ang zodiac sign mong Leo at Sagittarius ang girlfriend mo ay nagsasabing, sadyang compatible kayo dahil ang Leo at Sagittarius ay kapwa nagtataglay ng elementong fire o apoy kung saan tulad ng nasabi na, dahil kapwa kayong pinaghaharian ng elementong fire, sa aspetong pang-Astrology o pang-zodiac sign, tunay ngang tugma kayong dalawa ng girlfriend mo.

Dagdag pa rito, bukod sa compatible kayo sa Astrology o zodiac sign ng girlfriend mo na nagkataong sa aspetong pang-Numerology ang birth date mong 5 ay tugmang-tugma rin sa birth date na 17 o 8 (1+7=8) ng girlfriend mo kung saan maraming isinilang sa mga petsang 5, 14, at 23 ang napangasawa silang mga isinilang sa mga petsang 8, 17 at 26.

Ibig sabihin, magkaroon man ng maraming hadlang ang relasyon ninyo at sabihin na nating kahit tutol pa sa pagmamahalan ninyo ang inyong mga magulang, sa bandang huli, walang magagawa ang mga kontrabida sa inyong pag-iibigan, kayo pa rin ang nakatakdang magkatuluyan na ayon sa iyong Love Calendar ay mangyayari at magaganap sa susunod na taong 2021, sa edad mong 31 pataas at magte-33 ang girlfriend mo at ang inyong pagsasama dahil compatible kayo, ito ay magiging maunlad, masagana hanggang sa yumaman na kayo, habambuhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page